"Tayo'y Mga Pinoy" lyrics

"Tayo'y Mga Pinoy"

Tayo'y mga Pinoy
Tayo'y hindi Kano
Huwag kang mahihiya
Kung ang ilong mo ay pango

Dito sa silangan ako'y isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay kayumanggi
Ngunit di ko maipakita tunay na sarili

Kung ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo ay may kakayahang dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa kanluran?

Bakit kaya tayo ay ganito
Bakit nanggagaya, mayro'n naman tayo

Tayo'y mga Pinoy
Tayo'y hindi Kano
Huwag kang mahihiya
Kung ang ilong mo ay pango

Dito sa silangan tayo'y isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa kanluran?

Bakit kaya tayo ay ganito
Bakit nanggagaya, mayro'n naman tayo

Tayo'y mga Pinoy
Tayo'y hindi Kano
Huwag kang mahihiya
Kung ang ilong mo ay pango

Mayro'ng isang aso, daig pa ang ulol
Siyay ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, pai-Inglis Inglis pa
At kung pakikinggan, mali-mali naman
'Wag na lang

Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy
Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy
Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy
Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy

Tayo'y mga Pinoy
Tayo'y hindi Kano
Huwag kang mahihiya
Kung ang ilong mo ay pango


Writer(s): Bartolome Heber
You May Also Like
Florante - "Ako'y Pinoy" Ako'y isang Pinoy sa puso't diwa Pinoy na isinilang sa ating bansa Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga Ako'y Pinoy na mayroong sariling wika Wikang pambansa ang gamit kong salita Bayan kong...
Rey Valera - "Kung Kailangan Mo Ako" Mayrong lungkot sa yong mga mata At kay bigat ng yong dinadala Kahit di mo man sabihin Paghihirap mo'y nadarama ko rin Narito ang mga palad ko Handang dumamay kung kailangan mo Asahan mong mayron...
Rockstar - "Sinta" Sinta alam mo ba Tanging nasa isip ko ay larawan mo Sa sandaling nag-iisa Ikaw ang alaala pangarap sa tuwina Sana'y tanggapin Ang sa iyo'y inaalay na pag-ibig Umasa ka pangako ko Pag-ibig ko sa...
Bugoy Drilon - "Dahil Tanging Ikaw" Bakit kailangan puso ay masaktan Bago maintindihan ang siyang nararamdaman At kahit iwasa'y naro'n sa damdamin Yakap at mga halik ay nadarama pa rin Dahil tanging ikaw Ang siyang lahat Nang mawalay...
Mark Carpio - "Bakit Labis Kitang Mahal" Mula nang makilala ka, aking mahal 'Di ako mapalagay Sa kakaisip ko sa 'yo Lagi na lang ikaw ang alaala ko Kahit nasaan ka man Larawan mo'y natatanaw Maging sa pagtulog napapangarap ka Pagka't ang...