"Madali" lyrics

Al James & Lola Amour Lyrics

"Madali"

Kailangan bang magmadali?
Kahit pa man agad ka nang makakarating
Kulang-kulang naman ang mga sandali
Sandali, sandali

Kapit ka lang dyan
Darating rin yan
Pagod ka na ba? Kasi pagod na ako
Makipag unahan sa iba't ibang tao
Pagod ka na ba? Kasi pagod na ako
Pahinga lang naman, tutuloy parin tayo

Kailangan bang magmadali?
Kahit pa man agad ka nang makakarating
Kulang-kulang naman ang mga sandali
Sandali, sandali

E di bale matagal ang biyahe basta solid (solid)
Kayod bente kwatro parang Kobe (Kobe)
Makipag-pagalingan ba ay no need (no need)
Dahan-dahan lang at sobrang lowkey (lowkey) kung magka-trophy

Matalik pa palang lalakarin, makakarating rin dyan
Paraiso pagkanakamit natin, sabik na kong matikman
Umulan ay laging, kapalit bahaghari
Ba't ba nagmamadali, o pwede bang
Humingang malalim

Magrelax ka lang
Langhapin ang sariwang hangin wag munang isipin
Mahirap, okay lang kaya
Dahan-dahanin mo lang araw-araw dumadali

Humingang malalim, magrelax ka lang
Langhapin ang sariwang hangin wag munang isipin
Mahirap, okay lang kaya
Dahan-dahanin mo lang araw-araw dumadali

Kailangan bang magmadali?
Kahit pa man agad ka nang makakarating
Kulang-kulang naman ang mga sandali
Sandali, sandali

Sana ay bukas pag litaw ng araw
Wala nang kaagaw sa liwanag ng ilaw
Sana ay bukas palitan ang araw
Wala nang kaagaw sa liwanag ng ilaw

Tama na, bakit ba, kahit ba hanggang ngayon
Iniisip ang problema ng wala sa panahon
Tulala na lang ba ko, habang buhay nakakulong?
Kaya ko nga naman tinatanong

Kailangan bang magmadali?
Kahit pa man agad ka nang makakarating
Kailangan bang magmadali?
Kulang-kulang naman ang mga sandali
Sandali, sandali


Writer(s): Pio Antonio Benitez Dumayas
You May Also Like
Zack Tabudlo - "Habang Buhay" Aking sinta Ano bang meron sa iyo Pag nakikita ka na Bumabagal ang mundo Pag ngumingiti ka Para bang may iba Pag tumitingin sakin Mapupungay mong mga mata Wala akong takas sa nakakalunod mong ganda...
ALLMO$T - "Bagay Tayo" Bagay tayo Bagay tayo (Epee Bless This Beat) Di na ako mag dadalawang isip kung gusto kita Kitang kita ko rin ang saya sa yong mga mata Sa tuwing kasama mo ko Sa tuwing kasama kita Aminin mo na...
LANY - "13" It could change but this feels like, like the calm before the storm Not that I don't wanna try but I've been here before Friends in town, phone's at home, I tell myself it's fine Can't remember how...
Chocolate Factory - "Kung Ika'y Akin" Hindi naman ako nagmamadali Natatakot lang ako na baka ay mahuli Ayokong magsisi na hindi ko nasabi Habang ang puso mo ay wala pang may ari Ohh nais kong mabuksan pinto ng iyong puso Para Sayo Ay...
Fern. - "Lie 2 Me" It was a mess but we just never knew I know you did everything you could do Our love was red and now it turned to blue It was the only way to know the truth But when I see you it hurts, when I see...