"Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko" lyrics

Al James & Lola Amour Lyrics

"Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko"

Oh, bakit kaya tuwing Pasko ay dumarating na
Ang bawat isa'y para bang namomroblema?
'Di mo alam ang regalong ibibigay
Ngayong kay hirap na nitong ating buhay

Mayro'n pa kayang karoling at Noche Buena?
Kung tayo naman ay kapos at wala nang pera
Nakakahiya kung muling pagtaguan mo
Ang 'yong mga inaanak sa araw ng Pasko

Ngunit kahit na ano'ng mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko

Yeah, ramdam ko na nga rin
Positibong enerhiyang nasa hangin
'Di ko mapigilan na mapangiti
Kahit na pera ko ay laging alanganin
Basta para sa 'kin 'di mahalaga kung maka-shopping
Kalimutan ang magara't mamahalin
Pagsaluhan na lang natin, kahit na ano nakahanda
Kung hamonado man o maling

No'ng kabataang nangangroling pa sa gabi
Okay na 'ko sa mga bibingka sa gabi
Tuwing simbang gabi, busy't katabi
Busy't manalangin, may cheese pa sa lamesa
Kanya-kanyang dala ng ulam at serbesa
Kumpleto ang pamilya, kaibigan, mga repa
Kamusta na sa mga kapatid ko sa 'tin?
Kung andito kayo, sana mas masaya pa makapiling
Tuloy pa rin kahit anong mangyari sa gabing ito

Ngunit kahit na ano'ng mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko

Mabuti pa nga ang Pasko no'ng isang taon
Ang ating hapag, mayroong keso de bola't hamon
Baka sa gipit, Happy New Year, mapo-postpone
At ang hamon ay mauuwi sa bagoong

Ngunit kahit na ano'ng mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko

Tuloy na tuloy pa rin (tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin (tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko


You May Also Like
Tori Kelly - "Joy To The World / Joyful, Joyful" Joy to the world, the Lord is come Let earth receive her King Let every heart prepare Him room And Heaven and nature sing And Heaven and nature sing And Heaven, and Heaven, and nature sing Oh, joy...
Sarah Geronimo - "A Perfect Christmas" My idea of a perfect Christmas Is to spend it with you In a party or dinner for two Anywhere would do Celebrating the yuletide season Always lights up our lives Simple pleasures are made special too...
SUD - "Huwag Na Huwag Mong Sasabihin" May gusto ka bang sabihin Ba't 'di mapakali Ni hindi makatingin Sana'y 'wag mo na 'tong palipasin At subukan lutasin Sa mga isinabi mong na Iba'ng nararapat sa akin Na tunay kong mamahalin Oh woh...
Awi Columna, CLR & Yow - "Walang Wakas" Hali ka sandali Nadarama mo ngayo'y di mo dapat kinukubli Buo parati ang isusukli Liliit ang pagsubok kahit gaano man to kalaki Wala sigurong imposible Basta lagi tayong magkasama Hindi rin ako...
Skusta Clee & Magnus Haven - "Kung Tayo & Imahe" Umiiyak ka na naman Dahil sa walang kwentang dahilan Ano ba ang nangyari sa 'ting dalawa Lagi na lang tayong hindi nagtutugma Pag-usapan natin 'to Masyado na kasing magulo Mahal pa rin naman kita...