"Purge Pinas" lyrics

"Purge Pinas"
(feat. Axcel Ragsta)

Tinuguriang perlas ng silanganan
Pero talamak ang sistemang kaliwaan
Bakit hinahayaan manakaw pera ng bayan
Di man ibenta yung hiyas, deretso rekta sanglaan
Pag eleksyon pera ay nagsisilabasan
Imbis na binabayaran yung utang ninanakawan
Dating magkakampi ngayon biglang meron hidwaan
Pag ego nasagasaan problema ng taumbayan
Ano ba yan ha!

Dahil sa kahirapan ay napariwara
Yung ekonomiya spaghetti pababa
Binabalita yung hindi mahalaga
Kala mo kung sino na yung mga singkit mga mata
Mga dorobo harap harapan na panloloko
Patulog tulog pero ubod ng dami mga auto
Imbis na pag aralan gusto sinusubo
Konting kembot lang panalo, kelan ba matututo

Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas
Hirap na nga ng buhay, ang hirap pa sa Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin
Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas
Hirap na nga ng buhay, ang hirap pa sa Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin

Oh Pilipinas kong mahal, humihingi pa ba
Kurap na nga tas gagawin ka pang alipin na tanga
Mapagtatanto mo na nililinlang ka na
Sa oras na makatapak ka sa ibang bansa

Pwede pala yan, pwede pala to?
Ang ganda ng plataporma nyo, pwedeng ibato?
Sinakop ng mga Hapon, napalayas natin
Binomba na, sila pa rin yung mas mayaman satin
At ang layo ng agwat, di man lang nakadikit
Sinisingil sa buwis kung sino sino nagsisilid
Alila ng instek, dapat sa rehas yung iba
Daming ebas, tangina pare parehas lang sila

Ang tunay na problema ba ay magnanakaw, dinastiya
O baka ikaw, puro reklamo walang disiplina
Inang bayan naging mama san, nasan ang hustisiya
Buhok puti na, pag nagbago o parte na
Ng Tsina

Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas
Hirap na nga ng buhay, ang hirap pa sa Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin
Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas
Hirap na nga ng buhay, ang hirap pa sa Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin

Makinig ka
Handa na ba lahat sa pagsalakay
Sapat na lahat ng pagsasanay
Kung may cleansing, lahat ba magkaaway
O tatanggalin lahat ng mga anay

Na naka neck tie, gustong empire
Sa katiwalian, nagsitaasan yung hairline
Mga red flag, pag bed time naka red wine
Habang yung iba, sopas nalang kulang pa ng pechay

Yung pinangtakbo, kinukurakot ng ten times
Di malaman yung pag-aari, parang transvestite
Graduate na may honor tas tindero ng french fries
OFW sa kahon na lengthwise

Tong hawak kong tech nine, ang progresibong solusyon
Makinaryang rebolusyon para sa ebolusyon
At doon itayo ang lipunan ng dahan dahan
Gantong klaseng kalayaan ba ang gustong maranasan

Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas
Hirap na nga ng buhay, ang hirap pa sa Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin
Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas
Hirap na nga ng buhay, ang hirap pa sa Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin
Makinig ka


You May Also Like
Shanti Dope - "Outthrow!" Ako yung uwak sa bubong Inakalang kalapati ng mga may panuwag naurong Di nakita ng inaasahang na makita kung ano bang kayang Ibigay ng ugat sa bungong sa puyat nalulong Para sa mga buhat pa nung una...
Juan Caoile, Kyleswish & Jawz - "SA'YO LANG" Ikaw talaga Anong ginawa mo sakin? Alam mo ang kahinaan Ginayuma mo yata Oh girl lam mo ba Na tanging 'kaw lang Dinala 'Ko samin Tinigilan babae baket? Oh sapat ka na saken Sayo lang 'To nabuang Oh...
O SIDE MAFIA - "Drugs In Tha Club" In the back smoking drugs Drugs in da club, drugs in da club Drugs in da club, and you know we smokin' loud (Kush) Drugs in da club, drugs in the club (Kush) Drugs in da club, me and X smokin' drugs...
gins&melodies - "sakit mo na" Yeah, yeah, yeah, oh-oh, yeah Napakadami mo na sa'king pinalit Ako naman 'tong makulit hinahanap ka ulit Ano bang meron sa'yo? Bakit hindi makaalis? Sinungaling na mata at mga lason mong halik...
Gloc-9 & Flow G - "Bahay Yugyugan" Wag kang matakot sumayaw Katawan ay igalaw Sige sumayaw ka Lapit lapit lapit Lakasan ang hawak Higpitan ang kapit Nandito ulit kaming dalawa Sabihin mo sakin Handa ka na ba? Halika Tuloy ka Dito...