"Suntok Sa Buwan" lyrics

"Suntok Sa Buwan"

Sabi nila na hindi ko raw makakaya
Ang lumapit sa 'yo, mag-isang magpakilala
Sabi nila, malakas daw ang aking loob
Sinuswerte daw ba akong mag-isip na tayong dalawa ay magmahalan

Tingnan mo ngayon, sino na nga bang nakatawa?
'Pag tayo ay naglalakad, o 'di ba, tahimik na lang sila
Sa dami noon na nanligaw sa 'yong poging nakapilang baldeng pabling
Sino bang mag-akalang tayo ay magmahalan, magkatuluyan?

Suntok sa buwan ka lang no'ng araw, tanging irog ko
Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain
Puso ko'y hinagip sa dilim, karibal ko'y hindi pinansin
Rumimate na lang sa bandang hulihan
Suntok sa buwan, panalo
Akin ka lang

Sabi nila na hindi nga raw tayo bagay
Mapapansin mo lang daw ako kung mawawalan ka ng malay
Sabi nila, kailanga'y isang himala, 'di ka raw madaan sa tiyaga
Tingnan mo kung sino na ang siyang nakatunganga, humahanga

Suntok sa buwan ka lang no'ng araw, tanging irog ko
Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain
Puso ko'y hinagip sa dilim, karibal ko'y hindi pinansin
Nakahagod na lang sa bandang hulihan
Suntok sa buwan, panalo
Akin ka lang

Sabi nila malakas daw ang aking loob
Sinuswerte daw ba ako?
Sino bang mag-akalang tayo ay magmahalan, magkatuluyan

Suntok sa buwan ka lang no'ng araw, tanging liyag ko
Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain
Puso ko'y hinagip sa dilim, mga karibal ko'y hindi pinansin
Rumimate na lang sa bandang hulihan
Suntok sa buwan, panalo, ow!
Akin ka lang

Um, hi, babe
Hi, pangga
Ang suwerte ko naman
Talagang ako lang ba ang love mo?
Syempre, pangga
Yes!
Um, ipapakilala lang kita sa friends ko ah
Okay, babe
Paglapit nila, kiss agad ah
Ha? Over!
Ayy


Writer(s): Javier Danny
You May Also Like
Moonstar88 - "Ligaw" Pinagbibigyan mo lamang ba ako ngayon? Nasa gilid ko amoy ko ang iyong pabango Ano tong dagang gumagapang sa aking dibidb? Habang tinititigan ka kunwari nakikinig' Di makapaniwala Kasama kita ngayon...
Hotdog - "Pers Lab" Tuwing kita'y nakikita Ako'y natutunaw Parang ice cream na bilad Sa ilalim ng araw Ano ba naman ang sikreto mo At di ka maalis sa isip ko Ano bang gayuma ang gamit mo At masyado akong patay sa'yo...
Eva Eugenio - "Maalaala Mo Kaya" Maalaala mo kaya Ang sumpa mo sa akin Na ang pag-ibig mo ay Sadyang 'di magmamaliw? Kung nais mong matanto Buksan ang aking puso At tanging larawan mo Ang doo'y nakatago 'Di ka kaya magbago Sa iyong...
Soapdish - "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" Kung tayo'y matanda na Sana'y di tayo magbago At kailan ma'y, nasaan ma'y Ito ang pangarap ko Makuha mo pa kayang Ako'y hagkan at yakapin ooh Hanggang pagtanda natin Nagtatanong lang sa 'yo Ako pa...
Neocolours - "Tuloy Pa Rin" Sa wari ko'y Lumipas na ang kadiliman ng araw Dahan-dahan pang gumigising At ngayo'y babawi na Muntik na Nasanay ako sa 'king pag-iisa Kaya nang iwanan ang Bakas ng kahapon ko Tuloy pa rin ang awit...