"Kahit Ako'y Lupa" lyrics

"Kahit Ako'y Lupa"

'Wag mong pagtakhan kung bakit ako'y sadyang ganito
Mababa man sa 'yong tingin ngunit ako'y ako

'Di ako ang kailanma'y tumitingala
At luluhod o hihingi ng awa
Kaya ko ang mundo kahit ako'y 'sang dukha
Ako'y ako pa rin kahit ako ay lupa

Wala akong taong binabathala
Na sasagabal sa taglay kong laya
Alam kong ngumiti, alam ko rin ang lumuha
Basta't ako'y ako kahit ako ay lupa

Magbabago ang halos ay kahit ano
Magbabago ngunit kailanma'y 'di ako
Magbabago ang panahon sa pagtakbo
Ngunit hindi kailan pa man ang taglay kong paninindigan
Mababa man akong tingnan, lupa at tapakan

Lupa man, ngunit may pang-unawa
Sa katulad kong kaawa-awa
May pangarap akong hindi ninyo makukutya
Maging mapagmahal kahit ako ay lupa

(Magbabago ang halos ay kahit ano
Magbabago ngunit kailanma'y 'di ako)
Magbabago ang panahon sa pagtakbo
Ngunit hindi kailan pa man (Kailan pa man) ang taglay kong paninindigan
Mababa man akong tingnan, lupa at tapakan

Lupa man ngunit may pang-unawa
Sa katulad kong kaawa-awa
May pangarap akong hindi ninyo makukutya
Maging mapagmahal kahit ako ay lupa

Maging mapagmahal kahit ako ay lupa


You May Also Like
Florante - "Handog" Parang kailan lang Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin Dahil sa inyo Napunta ako sa aking nais kong marating Nais ko kayong pasalamatan Kahit man lamang isang awitin Parang kailan lang Halos ako...
Hotdog - "Pers Lab" Tuwing kita'y nakikita Ako'y natutunaw Parang ice cream na bilad Sa ilalim ng araw Ano ba naman ang sikreto mo At di ka maalis sa isip ko Ano bang gayuma ang gamit mo At masyado akong patay sa'yo...
Rey Valera - "Ako Si Superman" Kung akala mo'y nanlilinlang Itong puso ko Di mo alam, kailangan kita Upang mabuhay sa mundo Darling, kung iyong pagmamasdan Itong puso ko, hoh Sasabihin sa 'yong kailangan kita Ikaw ang lahat sa...
April Boys - "Iba Na Ang Mahal Mo" Hello? Hello! Laging hinihintay ang tunog ng telepono Nagbabaka-sakaling tawagan mo naman ako Lagi sa tabi ko ang litrato mo Na iyong ibinigay no'ng araw ng mga puso Kay sarap isipin nang sweet pa...
Rockstar - "Giliw Ko" Pano ko kaya masasabi ito Pag-ibig na nagmumula sa puso Yan ay totoo Ang nais ko lang sana'y malaman mo Ang damdamin ito Pag-ibig ko sana ay maipadama sayo Giliw ko mahal kita I love you alam mo...