"Bibingka" lyrics

"Bibingka"

Simbang gabi nanaman
Tayo gising na, patulog pa lang ang buwan
Ang simoy ng hangin
Dahan-dahang na humahaplos
Sa mukha ng bawat tao
Bumabagsak-bagsak pa ang mata

Dahan-dahang kumislap
Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan
Kung san magkasama tayong nagdasal
At nakinig sa Misa de Gallo
Pagdating ng Ama Namin, ang oras huminto

Nang magkahawak ang ating mga kamay
Humawi mga ulap at sabay
Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila...
Ang sabi nila...

Pagkatapos magsimba,
Habang hinahatid kita sa iyong tahanan
Parang walang katapusan ang ating kwentuhan
Tungkol sa mga buhay ng isa't isa, ako'y nahalina

Nang mapadaan tayo dun sa may tindahan
Humawi mga ulap at sabay
Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila...
Ang sabi nila...

Natapos din ang siyam na araw ng simbang gabi
Ang sabi ko sa sarili, baka ito na ang huli
Pero mula nung unang Ama Namin
Na ang iyong kamay ay hinawakan
Di mo na binitawan

Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila...
Ang sabi nila...
Oh ang sabi nila

Ang sabi nila
Bilhan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana
Bilhan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana


Writer(s): Miguel Benjamin G Guico, Paulo Benjamin G Guico
Bibingka is a type of a Christmas treat in Philippines and Indonesia.
This song was performed live by the duo at the Stages Sessions at SOMA Bistro in Manila, Philippines, on the 12/09/2017. The event was co-produced by Monster Radio RX 93.1.
Ben & Ben performed "Bibingka" live during a concert at the ABS-CBN Vertis Tent in Quezon City in the Philippines in October 2018.
This song was used in the 2019 film "Last Song Syndrome" in which Ben & Ben played some roles.
You May Also Like
Parokya Ni Edgar - "Buloy" Hoy hoy, buloy Naalala mo pa ba, nung tayo'y nagsasama Hoy hoy, buloy Naalala mo pa ba ang iyong mga sinabi Nung ako'y may problema Sabi mo, " Lahat ng problema'y kayang lampasan Basta't tayo'y...
Kamikazee - "Narda" Tila ibon kung lumipad Sumabay sa hangin Akoy napatingin Sa dalagang nababalot ng hiwaga... Mapapansin kaya Sa dami ng 'yong ginagawa Kung kaagaw ko ang lahat May pag asa bang makilala ka... Awit...
ALLMO$T - "Miracle Nights" Basta sa akin ka sumama na 'Di na 'ko maghahanap pa ng iba Gabi-gabi tayo magsasaya Sayang kasi 'pag nawala ka pa 'Wag mong pansinin ang mga tumitingin Sa ating dalawa (ating dalawa) Pinana na...
TJ Monterde - "Malay Mo, Tayo" Napapaisip, nananaginip Baka sakaling tayo sa huli Ayaw silipin, na alanganin Nagpapaniwalang 'di natin masabi Ang plano sa'tin ng tadhana Ba't ba parang may pag-asa Klarong wala, kaso baka Malay...
Emman - "Uuwian" Babalik at tatabi Nasasabik sa halik Namimiss ka Namimiss na ma kiss Mga labi mong pula na manamis namis Baka naman pwede bang mapagbigyan Di ko man alam ang kahahantungan ng Byahe diretso lubak man...