"Duyan" lyrics

"Duyan"

Naaalala ko si Mama
Sa tuwing nasisilayan ko
Ang iyong lakas at tikas
Hindi lang ng iyong pagtawa
Kundi lalo na kung ga'no ka katatag
'Di ka patitinag

Sa tuwing yumayanig at nagbabadya
Sa atin ang isang madilim na kabanata

Yayakapin ko ang iyong init
At sasamahan kita hanggang sa bulan
Sisikapin kong maging kanlungan mo
At sabay nating punuin
Ng alaala ang ating duyan
Aah, aah, aah, aah

Naaalala mo ba noon
Gabi nung may isang nagsabi sa ating
Siguraduhing pagsalubungin ang hangin
Ang ating init at lamig
Kaya lagi mong alalahaning

Kakampi kita, 'di ka mag-iisa
Mainit man o malamig ang ating kabanata

Yayakapin ko ang iyong init
At sasamahan kita hanggang sa bulan
Sisikapin kong maging kanlungan mo
At sabay nating punuin
Ng alaala ang ating duyan
Ooh, ooh, ooh, ooh, ooh, ooh

Kaharap ko na ang Maykapal
Kay tagal ko 'tong pinagdasal
Ang pagpapasalamat
Na ang buhay natin ay pinagtapat
Oh, woah, oh

Ginawa ka ba
Para mahalin ang katulad ko?
Ginawa ako
Para mahalin ang katulad mo
Ginawa ka ba
Para mahalin ang katulad ko?
Ginawa ako
Para mahalin ang katulad mo

Yayakapin ko ang iyong init
At sasamahan kita hanggang sa bulan
Sisikapin kong maging kanlungan mo
At sabay nating punuin ng mga kabanata
Ng alaala ang ating duyan
Aah, aah, aah, aah

Sa hirap at ginhawa, lungkot at ligaya
Ikaw ang kasama, oh, aking mahiwaga
Sa ating duyan
Ooh, ooh, ooh, ooh


Writer(s): Miguel Benjamin G. Guico
You May Also Like
Magnus Haven - "Multo" Sabi nila masaya ka na Naalala ko bigla huli nating pagsasama Parang totoo ang mga titig mo At kung pa'no mo sabihin na mahal mo rin ako Kumusta ka na? May iba na ba? Ako'y nag-iisa at nagtataka...
Silent Sanctuary - "Sa'yo" Minsan Oo Minsan hindi Minsan Tama Minsan Mali Umaabante Umaatras Kilos mong namimintas Kung Tunay nga ang Pag ibig mo Kaya mo bang Isigaw Iparating sa Mundo Tumingin Saking Mata Magtapat ng...
Hale - "Shooting Star" So many times you've hurt me So many times you've fooled me But you'll be doing it again So many times we've spent in Too many lives we've been in But you're doing it again To me the nights have...
Just Hush - "Co-Pilot" Ooh yeah Pangakong di mag-iisa Kasama mo hanggang rurok Ipikit ang iyong mga mata La la la la la Ngayong nandito ka Hindi inaasahang pangyayari ang nangyari Mga labi nagtagpo Punasan na ang mga...
Over October - "Sandali Lang" Sandali lang, bakit ka umalis? Kung sino pa'ng nangakong magmamahal hanggang huli 'Di ba pwedeng balikan lang muli? Mga pangako ng kahapon ay ngayo'y walang silbi Paalam Binibilang mga araw Bawat...