"Baliw" lyrics

"Baliw"

Baliw na nga yata ako
Walang tutol sa hiniling mong
Maging malaya
Dahil may iba na
Kahit buhay nati'y masisira

Anong dahilan ang ibibigay
Sa anak nating walang malay
Kung ang paglingap mo
Ay hinahanap niya
At sa akin ay laging umiiyak

Sabi nila, pigilin kita
At sadyang ipaglaban
Ang likas na karapatan

Ngunit baliw nga yata ako
Baliw na sumuko sa iyo
'Pagkat ayokong pilitin ang puso
Kung sadyang wala nang pagsuyo

Sabi nila, pigilin kita
At sadyang ipaglaban
Ang likas na karapatan

Ngunit baliw nga yata ako
Baliw na sumuko sa iyo
'Pagkat ayokong pilitin ang puso
Kung sadyang wala nang pagsuyo

Hahayaan na kitang lumayo
O, baliw ako, sadyang baliw