"Di Magbabago" lyrics

"Di Magbabago"

Magmula nang ibigin mo
Lumigaya ang puso ko
Panaginip ko ay ikaw
At pangarap gabi't araw

Ang ligaya sa buhay ko
Ay ang tanging pag-ibig mo
Sana'y 'di ka magbago
Yaring puso'y iyong-iyo

Kung ako'y iiwan mo
Sa landas ng siphayo
Nais kong malaman mo
'Di ako magbabago

Ang damdamin ko sa iyo
Sana ay malaman mo (Sana'y malaman mo)
Kahit puso ko ay magdusa (Magdusa)
Mahal pa rin kita

Kung ako'y iiwan mo
Sa landas ng siphayo
Nais kong malaman mo
'Di ako magbabago

Ang damdamin ko sa iyo
Sana ay malaman mo (Sana'y malaman mo)
Kahit puso ko ay magdusa (Magdusa)
Mahal pa rin kita
Kahit puso ko ay magdusa (Magdusa)
Mahal (Mahal) pa rin kita

Ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh