"Ibulong Mo Sa Hangin" lyrics
"Ibulong Mo Sa Hangin"
Ibulong mo sa hangin ang samo ng damdamin
Malayo man ako sa 'yo, aabutin sa aking pansin
Ibulong mo sa hangin ang pagsuyo sa akin
Kung iyong paninindigan, ito'y aking pakikinggan
Hangad nating kaligayahan
Ligtasan mo at alinlangan
Kung ang hangin naging buhawi
Nangungulila ang budhi
Ang binulong mo sa hangin
Hangad ko ring umabot sa akin
Ibulong mo sa hangin ang daing ng damdamin
Upang maakit nang muli ang ginintuang sandali
Hangad nating kaligayahan
Ligtasan mo at alinlangan
Kung ang hangin naging buhawi
Nangungulila ang budhi
Ang binulong mo sa hangin
Hangad ko ring umabot sa akin
Ibulong mo sa hangin ang daing ng damdamin
Upang maakit nang muli ang ginintuang sandali
Ibulong mo sa hangin
- AZLyrics
- C
- Claire Dela Fuente Lyrics