"Katakataka" lyrics

"Katakataka"

Kataka-taka
'Di kumirot ang puso
Nang makita ka
Dating minamahal ko
Kataka-taka
'Di tumibok ang puso
Kahit napansin
Sa akin ang sulyap mo

Sadyang ang panahon
Ay napaghihilom
Kahit anong lalim
Ng sugat na dulot
Kahit akala mo'y
Mamamatay ka sa kirot
Paglipas ng mga araw
'Yon ay malilimot

Kataka-taka
Kataka-taka
Kataka-taka

Kataka-taka
Iniyakang pag-ibig
Ay lumipas na
Parang agos ng tubig

Sadyang ang panahon
Ay napaghihilom
Kahit anong lalim
Ng sugat na dulot
Kahit akala mo'y
Mamamatay ka sa kirot
Paglipas ng mga araw
'Yon ay malilimot

Kataka-taka
Ikaw ay limot na
Kataka-taka
Ikaw ay limot na