"Luha" lyrics
"Luha"
Luha, 'di natikman kailan man
Hanggang sa ikaw ang minahal ko
Nang ibigin ka'y nagulo ang buhay ko
Nawalan ako ng katahimikan
'Di ba't sinabi mo sa akin
Na ako lang ang iyong mamahalin
Ngunit 'yon pala'y parang sulat sa hangin
'Di maaaring paniwalaan
Bakit pa dumating ka sa buhay
Samantalang no'ng wala ka'y 'di naghihirap ang aking kalooban
Bakit ba ikaw pa ang napili ko?
Dulot mo'y paghihirap lamang sa aking puso
Luha'y 'di pumatak nang ganito
Hanggang sa ikaw ang siyang tinangi ko
Napaibig mo sa pangakong 'di tapat
Naniwala ako sa huwad
Bakit pa dumating ka sa buhay
Samantalang no'ng wala ka'y 'di naghihirap ang aking kalooban
Bakit ba ikaw pa ang napili ko?
Dulot mo'y paghihirap lamang sa aking puso
Bakit pa dumating ka sa buhay
Samantalang no'ng wala ka'y 'di naghihirap ang aking kalooban
Bakit ba ikaw pa ang napili ko?
Dulot mo'y paghihirap lamang sa aking puso
Bakit pa dumating ka sa buhay
- AZLyrics
- C
- Claire Dela Fuente Lyrics