"Mga Bulong Ng Pag-Ibig" lyrics
"Mga Bulong Ng Pag-Ibig"
Ngayong ako'y nag-iisa
Sa puso'y alaala ka
Larawan mo'y hinahagkan
Ikaw rin ang mahal
Damdamin ba ay nag-iba
Ngayong ako'y limot mo na?
Mga bulong pag-ibig
Sa kanya na sinasanggi
Ang pagmamahal bang nadama
Ay 'di sapat sa piling ko?
Ang ligaya bang nalalasap ngayon
Ay tunay kaya, mahal?
Isip mo'y nagtataka
Isip ko'y nagtataka
Gulong-gulo sa iyong pasiya
Bakit ako'y iniwan mo
Mahal mo ba siyang totoo?
Ang pagmamahal bang nadama
Ay 'di sapat sa piling ko?
Ang ligaya bang nalalasap ngayo'y
Tunay kaya, mahal?
Isip mo'y nagtataka
Ngayong ako'y nag-iisa
Sa puso'y alaala ka
Ang laging sinasambit
Mga bulong ng pag-ibig
- AZLyrics
- C
- Claire Dela Fuente Lyrics