"Minsan Minsan" lyrics

"Minsan Minsan"

Naaalala mo ba ako
Kahit paminsan-minsan?
Nalulungkot ka rin ba
Na kagaya ko?

Bakit nga ba nagkalayo
Tayo sa isa't isa?
Nag-away sa 'sang bagay
Na walang halaga

Maligaya ka kaya ngayon
Sa 'yong minamahal?
Mayroon na kayang pumalit
Sa pitak ko sa puso mo?
Nalimutan mo na nga kaya ako
Sa piling ng iba?
Minsan-minsan sana'y maalala

'Di ka ba nanghinayang
Sa naglahong pangarap?
Tinalo ang pag-ibig ng pagmamalaki

Maligaya ka kaya ngayon
Sa 'yong minamahal?
Mayroon na kayang pumalit
Sa pitak ko sa puso mo?
'Di mo ba ako naalala
Kahit minsan-minsan lang?
Inaamin ko mahal pa rin kita

Sana'y malaman mo
Na mahal mo pa ako
Aking inaasahan
Na bumalik ka na