"Nangingiti Ang Puso Ko" lyrics

"Nangingiti Ang Puso Ko"

Naaalala ka
'Di ka malimot-limot
Sa diwa'y laging taglay
Ang 'yong larawan at sa ganya'y
Nangingiti ang puso ko
Dahil sa 'yo

Naaalala ka
Kahit na panaginip
At kahit sa'n magpunta
Nakikita ang iyong mukha
Nangingiti ang puso ko
Dahil sa 'yo

Bawat 'sang puso
May tinatangi sa lahat
At para sa akin
Ikaw ang napili ko

Marami mang lumigaw
Tinatangi ko'y ikaw rin
Ikaw rin
Marami mang maibig pa
Ang puso ko'y sa 'yo rin
Sa 'yo rin

Naaalala ka
'Di ka malimot-limot
Kahit lumisan ka na
Sa alaalang tinagtaglay
Nangingiti ang puso ko
Dahil sa 'yo

Marami mang lumigaw
Tinatangi ko'y ikaw rin
Ikaw rin
Marami mang maibig pa
Ang puso ko'y sa 'yo rin
Sa 'yo rin

Naaalala ka
'Di ka malimot-limot
Kahit lumisan ka na
Sa alaalang tinagtaglay
Nangingiti ang puso ko
Dahil sa 'yo