"Press Play" lyrics

"Press Play"

Yeah

Kuha kita kaya ako ay didistansya na
Sobrang dami na 'di ko alam kung ako ay magkakasya pa
Sanay 'tong mag-isa, kaya si Ann ay 'di na nagtataka
At 'pag kasama s'ya'y nagiging isa ang mundo naming dalawa

Tanging pantasya nya, ang makita ng karamihan na ako ay naiiba
Hayaan mo sila, 'ka ko
'Di para sa lahat ang mga likha ko
Pero 'pag nakita ng mga gago ang pagmumukha ko hinihingi aking litrato
Wala ng oras magreklamo

Buti may umaakap sa aking pag-uwi, parang imago
Kahit madalas nasasabihan na suplado
Ngingiti pa rin sa pitik nyo
Pasensya na kng 'di masyadong kwela gaya ni Sinio

Pero 'di mo makikitang galit sa bidyo
Kinamulatang lugar ay parang Skid Row
Bata pa lamang nalaman kong buhay ko'y hindi pang-kid's show

Pa'no mo nasabing ako ay maswerte
Baon ko sa kolehiyo ay laging bente
Nakakain lang ng masarap tuwing Disyembre
Ngayo'y parang Jalen kinukubra ay berde
Walang pinagkaiba ang tsamba sa swerte
Noon pa ma'y 'di na ako dyan nakadepende
Aking taktika sa buhay ay parang chess, pre
At kung ayaw mong maniwala sa akin, sige ito, press play
Yeah

S'ya nga pala ako ang nagmamay-ari nito
Makinig ka lang at makukuha mo rin sa akin ang sikreto
Makikita mo ang blueprint kahit nakapikit ka pa, 'ka ko
Sa kalayaan ito padako

IQ sa laro parang si 23
Mga gawa ko'y hot and spicy parang Tunechi
'Di na kailangang mangulekta pa ng pussy
Pihikan kahit katumbas nito ay Gucci

Sa halip sinibak ay biyaya, kailangang sagarin
'Dami ko ng mali sa buhay buti nagkatama rin
Lasap ko ang tamis ng pagod, 'yoko ng tamarin
Naglakad, nagpedikab at nag-jeepjop, nakarating

Pakitaasan yung adbans ko dahil buffet 'to at hind 'to desert
Presyong panghimagas sa album, 'di ko yan deserve
Inoobserbahan ko langang laro habang busy sa merch
Theartistco, subukang i-search

Kung sasabihin mong arogante ako, pwes, opinyon mo yan
Kung 'di mo gusto mga nakikita mo, pumikit ka na lang
Mag-disconnect ka sa net o kaya itulog o na yan
Magbilang ka ng tupa tutal gano'n ka naman

Habang ako, nag-igib, nagdilig, tinikom ang bibig
Dumistansya sa socmed
Sa anihan ang kitaan, kapatid
Pinunlaan ang talento, binuhusan 'di nagtipid, kaya

Pa'no mo nasabing ako ay maswerte
Baon ko sa kolehiyo ay laging bente
Nakakain lang ng masarap tuwing Disyembre
Ngayo'y parang si Jalen kinukubra ay berde
Walang pinagkaiba ang tsamba sa swerte
Noon pa ma'y 'di na ako dyan nakadepende
Aking taktika sa buhay ay parang chess, pre
At kung ayaw mong maniwala sa akin, sige ito, press play
Press play


Writer(s): Chester Lalinjaman
You May Also Like
Just Hush - "Turn Up" Pwede pa ba tayo sa gan'to O dun na lang tayo sa inyo 'Di naman siguro kasalanan Na 'di ko alam ang iyong pangalan Ang iyong ganda ay parang kababalaghan oh Wari mo'y ang isip ko'y buksan When do I...
Ghetto Gecko - "ea" Dati pa kita gustong madali Subukan ko kaya lumapit magbakasakali Baka sumama ka sa akin papunta do'n sa malayo Tayo ay paruparo sa'n tayo dadapo (Alam mo na) Kahit dito pwede, 'lika, dito sa'min...
Geo Ong - "Kasalukuyan" Maraming nasisirang buhay dahil sa kalibugan Nakakagawa ng mali't nawawala sa katinuan May lalaking lahat ng babae gustong mahipuan Alam kong alam nyo na mali po yan Mag-aaral na madalas pa sa...
Skusta Clee - "Solo" Nah, oh-ohh, mmm Kaya ko na 'to, oh, oh-ooh Kaya ko na 'to, oh Sauce (Flip-D on the beat) Maniwala ka sa'kin kaya ko na 'to nang solo Kahit iwanan mo 'ko, 'di ko hahanapin kahit na anino mo Kaya ko...
Loonie & Flow G - "Pikit" Alam ko na kung bakit ka bwiset Dibdib sumisikip, hirap ka nang itago ang bilib Kumpyansa ay may tyansang lumiit Galit at inggit magkadikit Kung ayaw mo makita pumikit Takip ka tenga kung ayaw mo...