"Misteryoso" lyrics
"Misteryoso"
Oh, 'eto ka na naman
Umiiwas ng tingin
Laging nakatanaw sa mga tala
Nakadungaw sa bintana
Kailan mo ba magagawang
Italiwas sa dilim?
Ang natatanging kagandahan
Nababalot ng hiwagang
Humalina sa akin
Kahit na ika'y hindi ko maintindihan
Nais masilayan ang iyong mga matang
Puno ng lihim at ng kislap
Mananatili na nga lang bang isang estranghero?
O pagbibigyan ang puso kong natotorete sa 'yo?
Hindi alam kung bakit ba 'ko nabighani sa iyo
Hindi alam kung bakit ba gan'to
Kahit na alam kong
Mukhang wala rin naman itong patutunguhan
Kahit pa ilaan lahat ng oras sa 'yo
Hindi titigil hanggang ako na ang dahilan ng 'yong ngiti
Misteryoso
Oh, araw-araw na lang akong bumubulong sa hangin
Ilang awit pa ba ang isusulat?
Wala na bang hangganan?
Kailan mo ba mapapansin?
Nais masilayan ang iyong mga matang
Puno ng lihim at ng kislap
Mananatili na nga lang bang isang estranghero?
O pagbibigyan ang puso kong natotorete sa 'yo?
Hindi alam kung bakit ba 'ko nabighani sa iyo
Hindi alam kung bakit ba gan'to
Kahit na alam kong
Mukhang wala rin naman itong patutunguhan
Kahit pa ilaan lahat ng oras sa 'yo
Hindi titigil hanggang ako na ang dahilan ng 'yong ngiti
Misteryoso
Mga mata'y nagkatagpo
Habang naglalaban ang hiwaga ng liwanag at ng dilim
Nang 'yong biglang napagtanto na ikaw na rin pala ay narahuyo
'Di maipaliwanag kung bakit nabighani sa iyo
Walang rason
Walang pero
Basta ito ay totoo
'Di akalaing makakapiling ko ang 'sang katulad mo
Tila isang engkanto laging hinahanap-hanap ko
Oh, giliw tanging ikaw ang patutunguhan
Kahit pa salungat ang aking oras sa 'yo
'Di makapaniwalang ako na ang dahilan ng 'yong ngiti
Misteryoso
Da-ram, da-ra-da-dam
Misteryoso, oh-oh
Oh-oh-oh
Misteryoso
Thanks to Alanis for correcting these lyrics.
Writer(s): Gian Bernardino
- AZLyrics
- C
- Cup Of Joe Lyrics
You May Also Like
Zack Tabudlo - "Nangangamba" Nangangamba, nangangamba ang 'yong puso
Hindi ka sigurado ('di ka sigurado)
Nalilito, nalilito ang 'yong utak
Kung tunay bang pag-ibig 'to (tunay bang pag-ibig 'to)
Ano ba ang problema mo?
Sabihin...
Kiyo & Alisson Shore - "Urong Sulong" Bakit ba, kung kailan ka'y naisip na
Bibitawan, ikaw yung paraiso 'di ba
Wag ka nang mag alinlangan satin
'Di ka iiwanan ikaw yung tahanan 'di ba (diba)
Kahit san man tayo magpunta, tinadhanang...
Bandang Lapis - "Kabilang Buhay" Masasayang mga araw na kasama kita
Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa
Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama
Na parang wala nang sisira ng lahat
Bakit pa dumating ang oras na ito?...
Munimuni - "Bawat Piyesa" Bawat ngiti
Bawat luha
Bawat gising
Bawat pikit
Bawat hangin na tinatanggap
Bawat buga
At habang ika'y yinayakap nang maigi
Binubulong ang dalangin 'wag sana maglaho sa hangin
Ang bawat piyesa na...
Syd Hartha - "Iglap" Nagsimula sa mga bagay na 'di naman dapat
Pinagsasayangan ng oras
Mga salitang 'di ko inakalang masasabi mo
O, anong nangyari sa'yo?
Nagbango ang simoy ng hangin
Palayo nang palayo ka na sa akin
'Di...