"Nag-Iisang Muli" lyrics

"Nag-Iisang Muli"
(from "Parang Kayo Pero Hindi" soundtrack)

Kay lamig ng simoy ng hangin
Mga talang yumayakap sa akin
Kasabay ng aking pagpikit
Suminag ang pait
Pag-asa'y 'di masilip

Sa gitna ng gabing kay dilim
Naghihintay mula takipsilim
'Di susuko sa pagtitiwalang
Ikaw ay makakamtan
Ng hindi panandalian

Kahit kumpiyansa'y unti-unting nawawala
'Di uubra ang hamon ng duda

Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay
Na makasama ka sa'king buhay
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan

Patuloy na inaasam
Na masilayan na kita
Babangon at lalaban
At isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ang tanging hangad ng puso'y ikaw

Makulimlim na pagsikat ng araw
Nananaig na ang boses na bumibitaw
Bingi-bingian na naman
Pilit na tinatakpan
Pusong nananawagan

Kay ginaw ng tanghaling tapat
Mga ginagawa'y 'di pa rin sapat
Sumagi sa'king pag-iisip
Damdami'y kinikimkim
Sa sarili'y 'di maamin

Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay
Na makasama ka sa'king buhay
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan

Patuloy na inaasam
Na masilayan na kita
Babangon at lalaban
At isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ikaw ang hangad

Balik takip-silim
Sasapit na'ng gabi
Mga bitui'y lumihis
Sisikat nang muli
Araw ay sumilip
Nasilaw sa dilim
Puso'y nagising
Nag-iisang muli

Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay
Na makasama ka sa'king buhay
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan

Patuloy na inaasam
Na masilayan na kita
Babangon at lalaban
At isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ang tanging hangad ng puso'y ikaw
Ng puso'y ikaw
Ng puso'y ikaw
Nag-iisang muli


Writer(s): Raphaell Ridao, Mark Nievas
You May Also Like
Never The Strangers - "Moving Closer" When you smile, everything's in place I've waited so long, can make no mistake All I am reaching out to you I can't be scared, got to make a move While we're young, come away with me Keep me close...
Reese Lansangan - "For The Fickle" Leave my body floating away Let the rain come down This is what I'm used to It's what I'm made of You'll see Oh, oh, oh, oh Find an anchors deep in the sea For your fickle mind and your cold feet...
joan - "i loved you first" If I could be honest I feel like I'm losing you Do you even notice? Yeah How perfect I am for you You keep running away when I need you most Running away when I get too close My heart is full but...
Ebe Dancel - "Dapit-Hapon" Kung buo na ang 'yong pasya Na talikuran ang lahat May magagawa pa ba Kung pigilan ba kita Hanggang sa huli'y ipaglaban ka Makikinig ka ba Sa dapit-hapon ng pag-ibig natin Hindi kita kayang iwan...
SB19 - "Alab (Burning)" Hey, ooh... Ano bang meron sa ngiti mo? (Girl, I'm dyin') 'Di ka na maalis sa isipan ko (Impossible) I feel so alone but I can't just keep on singing this song Gotta get your love, yeah baby girl...