"Huling Sandali" lyrics

"Huling Sandali"
(from "Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon" soundtrack)

Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sayo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't huwag mong bitawan

Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sayo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang

Darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?

Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na ika'y magiging akin

Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam

Kung darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon

Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin

At sa bawat minuto
Ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba, ako'y maghihintay sayo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?

Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin

Kahit sandali, patawarin ang pusong 'di tumigil para sa'ting dalawa
Ang maling pagkakataon na ika'y magiging akin


Writer(s): Ronzel Bautista
The film "Tayong sa Huling Buwan ng Taon" is a sequel to 2015 romantic drama "Ang Kwento Nating Dalawa". The snippet of the song was featured in the trailer for the film. The song follows the story of Sam and Isa five years after their break-up.
The band announced this song on their Facebook account with the following message "Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin. #HulingSandali is now up on Spotify! Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon Official Soundtrack".
Udou.ph wrote in its review, "'Huling Sandali' highlights that one chance that you could get to start things over with the person you love. [...] It captures the reality, the pain and the longing for that love we've missed out."