"153" lyrics

"153"

Bakit napatid nung napatid
Kulay pulang tali
Nating nagbibigkis dati
Sa 'ting dalawa

Likas sa 'ting lumikas
'Pag bagyo'y nagbabadya
Bakit ngayon tahanan natin ay nawawala

Walang ibang galaw
Kung 'di ang bumitaw
Mga paro-paro sa tiyan ko
Ay naging barang

Walang maling galaw
Nung meron pang ikaw
Nagsilbing mapa
Ngunit ba't ako'y inililigaw

Bakit ganito
Sinanay mo ko
'Tas bigla kang lumayo
Wala nang bisa yung isa, apat, tatlo
Eto wala nangang tumitibok sa dibdib ko
Baka naiwan ko sa 'yo

(Lipad, lipad, paro-paro lipad)
(Lipad, lipad, paro-paro lipad)
Hindi na ako mabubuo
(Lipad, lipad, paro-paro lipad)
(Lipad, lipad, paro-paro lipad)

Wala nang makapitang patalim, yeah
Nagyelo na yung dati na mainit
Ang musika ay tila tumatahimik
Kaya mo naman pa lang umayaw
Bakit ka pa sumama sa 'kin palayo
Diretso lang di ba ba't ka lumiko
Pa'no lalakad na sayo'y sulo
Dala palayo, ngayon sa dilim ako nakatayo

Walang ibang galaw
Kung 'di ang bumitaw
Mga paro-paro sa tiyan ko
Ay naging barang

Walang maling galaw
Nung meron pang ikaw
Nagsilbing mapa
Ngunit ba't ako'y inililigaw

Bakit ganito
Sinanay mo ko
'Tas bigla kang lumayo
Wala nang bisa yung isa, apat, tatlo
Eto wala nangang tumitibok sa dibdib ko
Baka naiwan ko sa 'yo

(Lipad, lipad, paro-paro lipad)
(Lipad, lipad, paro-paro lipad)
Hindi na ako mabubuo
(Lipad, lipad, paro-paro lipad)
(Lipad, lipad, paro-paro lipad)

Ako ang nasa dulo ng bahaghari
Langit ay hindi na sa 'king labi
Pwede pa bang angkinin
Ang nawala mong pagtingin

Dating tunay ngayon naging kunwari
Puso mong iba na ang may-ari
Ako'y aasang dadating
Araw na ika'y babalik


Writer(s): Timothy Dionela
You May Also Like
Nobita - "Magasin" Nakita kita sa isang magasin Dilaw ang 'yong suot At buhok mo'y green Sa isang tindahan sa may Baclaran Napatingin natulala Sa iyong kagandahan Naaalala mo pa ba noong tayo pang dalawa 'Di ko...
Adie - "Luha" Dahan-dahang pumapatak Sa aking mga mata Ang dulot ng kalungkutan Nanginginig sa lamig Unti-unting winawalis Ng tadhana ang ngiti sa 'yong labi Naliligaw, nauuhaw Kailangan ko ikaw Tanging ikaw 'Di...
Syd Hartha - "3:15" Ito ang langit sa lupa Walang makakaabala Walang ganang pumatak mga luha Ako ang baril, ikaw nagpapaganang bala Sa init ng titig Ako pa ri'y napapaisip 'Di basta basta na maakit puso at utak, mag...
Dilaw - "Janice" Halika rito Sumugal ka ng sampung minuto Sabay tayong maglalayag sa kawalan Sakay ng ating isipan Iwan natin silang lahat Tayo muna hanggan sa pagdilat Buburahin lahat ng alaala kasama sila Saglit...
Mayonnaise - "Kapag Lasing Malambing" Meron akong sasabihin Makinig kayong lahat Importante na malaman Nyong sikreto nilang lahat Sila'y pare pareho Sinong may pakana Magugulat ka na lang Bigla ka ng madadapa Ngayon bukas nanaman Ang...