"Bahaghari" lyrics

"Bahaghari"

Ngayon alam ko na ba't namali
Nang akalang siya ang mag-babalik
Ng ngiting nawala ay nakita sa'yo, oh

Lumiwanag ang dating madilim
Patay na lupa napuno mo ng tanim
Hanggang walang hanggan ako'y iyo

Mahal ako'y tanga
Kung bibitawan ka
Sa dami ng pinagdaanan bago
Maranasan at mahalin ka
Pag-ibig dati kala'y 'di totoo

Ikaw ang nasa dulo ng bahaghari
Langit ay nakita sa iyong labi
Pwede ka bang angkinin?
Tunay aking pag-tingin

Kahit kailan hindi naging kunwari
Puso mong ako lang ang kahati
'Wag na sanang aalis
Wala nang bagong dadating

Aminin mo na kasi sa'king
Gawa sa bituin ang mga mata mo
Nag niningning sa kalawakan ko
Kung ang buhay ay awit, ikaw ang koro

Mm, ako ang 'yong piniling mahalin
Mga demonyo ko'y kilala mo na rin
Kung ito'y imposible, ikaw ang milagro

Sabihin nang tanga
Kung iiwanan ka
Sa dami ng pinagdaanan diba
Ikaw ang natira nung ako'y
Nag-iisa ika'y hindi lumayo

Ikaw ang nasa dulo ng bahaghari
Langit ay nakita sa iyong labi
Pwede ka bang angkinin?
Tunay aking pag-tingin

Kahit kailan hindi naging kunwari
Puso mong ako lang ang kahati
'Wag na sanang aalis
Wala nang bagong dadating

Ikaw ang nasa dulo ng bahaghari
Langit ay nakita sa iyong labi
Pwede ka bang angkinin?
Tunay aking pagtingin

Kahit kailan hindi naging kunwari
Puso mong ako lang ang kahati
'Wag na sanang aalis
Wala nang bagong dadating

Ako ang nasa dulo ng bahaghari
Langit ay nakita sa'king labi
Pwede mo 'kong angkinin
Tunay rin ang pagtingin

Kahit kailan hindi naging kunwari
Puso kong ikaw lang ang may-ari
Ako ay 'di na aalis
Wala nang bagong darating


Writer(s): Timothy Dionela
You May Also Like
Cup Of Joe - "Sinderela" Unti-unti nang napapagod, sa aking puso'y humahagod Sa paghintay hanggang sa dulo ako'y nalulunod Hindi inaasahang oras huminto na ang paglipas Sa lugar na walang ala-ala, nabigyan ng halaga Ika'y...
Sugarcane & JC Herrero - "Paruparo" Paruparo kay gandang pagmasdang paruparo Hiwagang taglay ng anino Kay ningning ng labi, oh, paano? Paruparo kay gandang pagmasdang paruparo Ngiting mala-bituin, oh, kanino? Tamis na nagmula sa'yo...
Yeng Constantino - "Pag-Ibig" Ang pag-ibig, hindi parang cellphone 'Pag naluma, papalitan Ang pag-ibig, hindi parang damit 'Pag may bagong uso, papalitan Kung sabihin kong mahal kita Yan ay totoo sinta Wag na wag kang magdududa...
mrld - "Just Because" Saying those three words just ain't enough So I try to give you all my love We can do the things that you always wanted Make it possible there's nothing that can stop it We can bake and judge on...
Adie - "Kabado" Hmm... Hmm... Hmm... Hahakbang palapit sa 'yo Kabadong hinahabol ang paghinga Baon ang mga salitang para sa 'yo lang Himig ng dibdib kumakabog dito sa silid Kung saan parang tayo lang At walang...