"Oksihina" lyrics

"Oksihina"

Kung ito na ang huling minuto sa mundo
Mga segundo'y uubusin sa tabi mo
Kulang ang habang-buhay sa 'tin
Bitin ang habang-buhay sa akin

At kung ipipinta ko ang pag-ibig sa 'yo
Ito ay kulay na hindi pa nakita ng mata mo
Tila magbibilang ng hangin
Balor mo'y 'di kayang sukatin

Kahit lahat ay mawala na
Handa akong masaktan
Kung kapalit nama'y malaya
Kang mahahagkan (oh-eh-oh, oh-oh)
Tunay na propesiya
Ikaw ang dakilang rason ba't ako ginawa
Aking oksihina
'Pag hindi na makahinga (hindi na makahinga)

Kung ipahihiram ko nang isang araw ang mata ko
Malalaman mong sapiro ang tingin ko sa 'yo
Ika'y hiyas para sa akin (hiyas para sa akin)
Depekto'y 'di kayang hanapin

'Di kailangan ng dahilan para ika'y mahalin
Hanggang sa mawalan ng pandama
Ating palad na magkakilala
'Di ko alintanang

Kahit lahat ay mawala na
Handa akong masaktan
Kung kapalit nama'y malaya
Kang mahahagkan (oh-eh-oh, oh-oh)
Tunay na propesiya
Ikaw ang dakilang rason ba't ako ginawa
Aking oksihina
'Pag hindi na makahinga

Hak ìshum nghi kháw akì
Hak ìshum nghi kháw akì (oh-yeah)
Hak ìshum nghi kháw akì
Alh adngom ag ahwì
Al awa wa mhid ni hya gi nith
Ngá nam sap umukh aht nakh ngángi
Mi táratig ngham gon uth
Alh ut ngána mhál la huhm ngálwa khi

Kahit lahat ay mawala na
Handa akong masaktan
Kung kapalit nama'y malaya
Kang mahahagkan
Tunay na propesiya
Ikaw ang dakilang rason ba't ako ginawa
Aking oksihina
'Pag hindi na makahinga


You May Also Like
Hale - "Kahit Pa" Muling lalapit Ang liwanag sa paligid At ang tinig Na sa akin nagsasabing Hindi mapipigil ng mundo Papatunayan ang pangako Dahil kailangan ka Kailangang 'pakita natin tayo'y iba At kahit pa Hindi pa...
Bandang Lapis - "Huling Mensahe" Hanggang dito na lamang ba Lagi na lang nasasaktan ng ganito Ano bang aking nagawa bigla kang nanlamig Ibinigay ko naman lahat Pati ang buhay ko Eto ba ang sukli sa pagmamahal na inalay ko sa 'yo...
Munimuni - "Sa Hindi Pag-Alala" Kakalimutan na kita Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo Napagisipan mo na ba Dahil kakalimutan na kita Ito na Ito na Kakalimutan ko narin Mga sinabi mong wala palang ibig sabihin Pati narin...
TONEEJAY - "711" Balang araw masusulat ko kaya Ang kanta na bibili ng bahay sa Santa Rosa Maglalagay ako ng 7/11 Sa highway kahit ayaw kong maging kapitalista At bibili ako ng kotse Kasi sabi mo bawal ang mag-motor...
Nobita - "Di Na Mag-Iisa" Di makapaniwala nandito na'ng hiling kay Bathala Nandito ka na 'di na ako mag-iisa Tanong ko sa tala ay bakit, pag-ibig ay bigay ng langit Nandito ka na 'di na ako mag-iisa Ngiti mo sa aking mga...