"Huling Awit" lyrics

"Huling Awit"

Kung ayaw mo na sa aking piling
Magsabi ka
Kung sawa ka na sa aking tinig
Pasensiya na
Akala ko sa 'yo mag-aalay
Ng awit sa araw-araw ay hindi pala
Sa bawat pagpihit ng gitara'y
Hindi na pala 'yun ang gusto mong marinig

Tatahimik na lang at isasantabi ang awitin
'Di alam ba't biglaan, wala na pala sa 'yong piling
Maaari bang pakinggan mong muli
Kahit na ito na ang maging huli kong awit?

Kung tatanungin
Nais ko pa ring umawit
Ngunit pa'no ba ako makakalimot?
Sa awit, lalo lang tayong malulungkot
Gustuhin ko mang hindi na lang lumisan
Ngunit tila ito na lang yata ang sagot

'Ko'y lilisan na lang at isasantabi ang damdamin
'Di ko rin inasahan, paano ko ba hahabulin?
Gustuhin ko mang pakinggan mong muli
Kahit na ito na ang maging huling awit

Tatahimik na lang at isasantabi ang awitin
'Di alam ba't biglaan, wala na pala sa 'yong piling
Maaari bang pakinggan mong muli
Kahit na ito na ang maging huling awit?


Writer(s): Eliza Jane Guda Maturan
You May Also Like
Belle Mariano - "Apelyido" Noo'y pinapangarap lang Ngayo'y tinititigan na Sa tuwing hawak ko ang iyong mukha'y 'Di makapaniwalang nakamtan ka 'Pagkat sila'y maraming sinasabi Ako raw ay 'di mo mapipili Ngunit heto na ang...
ReneƩ Dominique - "Sabi Nya" Sabi nya Wag kang magalala Walang papantay sayo Sabi nya Nandito lang ako Hinding hindi mawawalay sayo O kay sarap isipin na laging ganito Walang ibang iniintindi kung di tayo O kay sarap isipin na...
Syd Hartha & Brian Lotho - "lipad" Sino ba ang nagsabi Kung sino ka dapat maging? Sa lakbay mo Ikaw lang naman masusunod Sa puso mo ang kasagutan Sa puso mo ang daan Malilito kung titingin mula sa mata nila Kunin mo ang...
TONEEJAY - "This Feeling" Walking around All these flowers on the ground I feel like I'm missing something They say it's the darkest Right before the dawn But that's not really science But it must mean something Especially...
Dilaw & Janine Berdin - "Sa Kahapon" Sa kanya-kanyang pangarap na nakipaghabulan Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan Magtampisaw sa tag-ulan, ang kaligayahan, ambunan Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan Anomang dumating...