"Sagot Sa Aking Dasal" lyrics

"Sagot Sa Aking Dasal"

Hindi ko napansin
Ang mga oras
Ang layo na pala ng ating nilakbay
Sunog ang kilay
Sa pagsisikap
'Di hinayaang maligaw at matangay
Ng ingay, at gulo, mga sabi sabi
Ng mga taong 'di naniniwala
Kana, kaliwa 'di bumaling baling
Tumutok sa bantay kong tala

Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal
At ng mga luhang sinigaw
At dininig ng Maykapal
Ang bawat lubak at bawat hadlang
Na buong tapang kong nalampasan
Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal

Salamat Ama
Na 'di mo binitawan
Naglagay ng mga tao na
Magbibigay ng kalakasan
Mga pintong nakasara
Bumukas 'di ko mawari
Imposibleng naganap
Kapang arihan ng 'yong labi

Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal
At ng mga luhang sinigaw
At dininig ng Maykapal
Ang bawat lubak at bawat hadlang
Na buong tapang kong nalampasan
Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal

At 'di pa tapos
Ang mga kabanata
Patuloy akong
Sayo'y magtitiwala
Sayo'y magtitiwala

Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal
At ng mga luhang sinigaw
At dininig ng Maykapal
Ang bawat lubak at bawat hadlang
Na buong tapang kong nalampasan
Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal

Sagot sa aking dasal
Sagot sa aking dasal


You May Also Like
Kaye Cal - "Isang Araw" Kung maibabalik ko lang ang dati Hindi na kita bibitiwan pang muli At ipadarama ko sa iyo na mahal kita araw araw Araw araw Ngayon ikaw ay nasa piling niya At ngayon ako ay nagsisisi na Ngunit...
Angeline Quinto - "Why Can't It Be" You came along, unexpectedly I was doing fine in my little world Oh baby please don't get me wrong ‘Cause I'm not complaining But you see, you got my mind spinning Why can't it be Why can't it be the...
Six Part Invention - "Falling In Love" You and me, we got along just fine But deep inside I know there is more Right next to you I know you're the right one Can't fight this feeling, I'm taking chances now In my heart I feel that this is...
Daryl Ong - "It's Not Easy Letting Go" Always thought that I Could always find someone To take your place in me I thought it would be easy Never thought that I Would find it hard To leave it all behind the times We got to spend together...
Side A - "Nais Ko" Nang makita ka'y di ko malaman, Saan ka galing, sa paroroon Nakuha mong kausapin ang aking puso Nakakulong Ilang araw, ilang buwan ang dumaan Tayo'y naging tunay na magkaibigan Kahit malayo ka'y...