"Batugan" lyrics

"Batugan"

Ang sipag magtututulog kaya pitaka puyat
Imbis mag-banat ng buto
Nag-unat ng butong may kasamang hikab
Ganun katamad!

Sa bayabasan ka magaling mag-abang ng malalaglag
At nagtataka ka pa kapag sa bulsa mo wala ka nang nakakapkap
(Clap clap clap)

Ang hilig mo sa teka muna
Kaya imbis salapi ang nakuha mo muta
Punto ko sana makuha
Na baka sa kakahiga mo ay jan ka ma-kuba

Anong misyon mo sa lupa? magpatigas ng batuta?
Paramihin ang populasyon ganyan ba talaga pag walang ambisyong mataas 'di nalulula?

Buti pa tupa napapastol
Ikaw puro angas tol
Halatang nagpapanggap pag nasa labas ng door
Iba-ibang palabas kaya madalas mag mall
Akala mo lang nakakahabol kana pero 'di ka pa pala nakaka-score

'Di lang pala yung tulog yung pwedeng may mapanaghinipan (pati gising)
'Di rin pwede na lahat ng gusto idaan sa hilingan
Pag may nahiligan 'di madalian, 'di madali yan
Ba't di pag igihan sige ika'y mag-pursige kasi 'di pa huli

Pero sa'yo yan naka dipende
'Di yung nakabase ka sa swerte
'Di laging pu-pwede na yung pwede lang
Kung pwede nga isipin na walang bagay na hindi pwede
Syempre! 'di araw araw abente-singko ng desyembre
Darating at darating ang peste
Yan ang dapat mong pag handaan
Kasi buti pa yung leche flan ay may plano kahit letche

Akala ko ayaw mo ng de-lata?
Pero lagi kang nakahilata
Akala ko ayaw mo tumunganga?
Pero inuuna mo bunganga
Akala ko gusto mo ng biyaya?
Pero lagi kang nakatihaya
Sarili mo din ang dinadaya
Kasi sa katamaran mo siya niyaya
Dapat kasi 'di ka pumapayag
Ikaw din naman ang mahihirapan
Tyaka ikaw din ang manghihinayang
Sa masasayang

Hoy BATUGAN 'di kapa mayaman wala ka pang matabang wallet
Bakit 'di ka makabangon baka bakal na muka mo tapos unan mo naman magnet
Pahiga-higa lang sa higaan 'kala mo biyaya sa iyo ang kusang lalapit, iba ka hanep!
'Di nagpa-panic, Sanay ka bang walang budget o sadyang wala ka lang target?

Yung iba namang mga tamad ay meron din kakaibang mindset
Kaso lang hindi natin alam kung utak ba talaga nila ang ginagamit o gumagamit
Pag walang-wala at pagka kailangan ay sa patalim kumakapit pag walang "AREP" (Pera)
Sige ang dale, sige ituloy mo pa pare hanggat hindi kapa sumasabit

Sana malabanan mo sarili mo nasanay na na puro ka hingi
Alam mo naman siguro sa sarili mong hindi yan nakakabilib
Tapos siya pa yung galit sayo sapilitan
Yun naman ang 'di ko maintindihan
Tipong imposibleng 'di mo din kainisan
Kahit paulit-ulit mo pa sige-han mali kana kahit na isang beses mo lang hindi-an

Sa mga naririnig mo sana naka tutok ka
Para matuto kanang sira ulo ka
Ang sakit mo na sa ulo kase baka yung sakit mo nga ay nasa ulo na
Pag 'di ka kumilos ay hindi ka tutuka
Kapag hindi ka ngumuya ng ngumuya mabuhulunan ka naman o 'di kaya bibig naman ay bubula
Kasi hind to labanan ng patigasan ng muka
Kaya matuto mahiya!


Thanks to NIMFER for correcting these lyrics.
Writer(s): Archie Dela Cruz
Flow G plays a superhero in the music video for "Batugan" released on the 1st of January, 2022.
You May Also Like
Kiyo - "Nandito Na" 'Dito na ako Alam kong namimiss mo na si ako Alam ko Alam ko Alam ko Alam ko Araw-araw miss kita Araw araw Araw-araw ka ipipinta Araw-araw pangakong hindi mag iisa Balang araw katabi pag mulat ng...
ALLMO$T - "Dulo" Ilang araw ka ng hindi dumadalaw Alam mo bang hinahanap kita araw araw Gabi gabi ako'y hindi mapakali Inaalala ko ang mga bawat sandali Ano ang dahilan bakit ka nag ka ganyan Ang sabi sakin may...
Alisson Shore, Gfab - "Tamis" Ikaw ang klase ng panlasa na Kahit diabetic ay 'Di na niya para ikaumay Sakto yung pulot sa keso, 'di ba? 'Di man sinlagkit ng flan, ay leche Dyeta man ako, ang importante Sakto ang aking pamasahe...
Shanti Dope - "Peekaboo!" Gabayan mo ko saking mga plano Dati talunan kaya sabik manalo, ah Ano kamo? Baguhan pero kilos beterano Laylow, sh, gulat ka noh Peekabo, gulat ka noh? Peekabo, gulat ka noh? Peekabo Babae mo tulala...
Al James - "Latina" Tirahin na natin ng patago yan Kahit kulangin sa hangin e 'di ubo Kung susukatin lang natin ang tamang galing sa lalim Mas kukulangin ang hangin pag lumayo yo yo Yeah yuh Dami mo pang sinasabi Ayaw...