"FeedxCortez" lyrics

"FeedxCortez"

Sige check mo sa feed mo sino yung laman
Wag ka magugulat kung nandito nanaman
Ano kaba wala dyan bago kalma ka lang
Kada gawa ko pasabog

Pinakitaan lang nung 2020
Pinasabugan na nung 2021
22, 23 steady lang
2024 ako na yung RAPSTAR!

Mga umangal balewala lang
Para tumahan pinakitaan lalo
Pinatunayang meron din kakaibang tinatago
'Di nanghinayang sa pusta kasi pag tumawa ko pati pato

Pati yung pananggulo sibak
Kahit anong anggulo sipat
Kahit bilisan ko kinakabisado kahit na hirap sila i-rap
Pilit nila hinuhuli yung flow kahit masyadong mailap
'Di makitaan ng butas yung mga galawan masyadong banayad

Sulit palagi ang bayad
Pag ako yung nasa line up
Mga collabo sinisiguradong solido pag ako ka-tie up
Walang dapat patunayan lalo na sa mga denial
Basta ko lalong tumatayog
Hindi sumasayad kahit na hindi ka pumayag

Sige check mo sa feed mo sino yung laman?
Wag ka magugulat kung nandito nanaman
Ano kaba wala dyan bago kalma ka lang
Wag ka kabado

Oh sige i-check mo sa feed mo sino yung laman?
'Di mauubusan kahit na magpa-ulan
Ano ka ba? 'Di na to bago kalma ka lang
Kada gawa ko pasabog

Pang tipikal lang umasta 'kala mo lagi bagong salta
Pero ingat ka kasi puputok to kung 'di marunong kumasa
Pero 'di basta-basta sumasabog agad
Marunong kumalma
Pero mayabang sa mayabang
Tyaka kupal din pag kupal ka

Pero pag mabait ka naman
Asahan mo kaya ko din ibalik
Itanong mo nalang sa ibang may alam
Kasi 'di pa lahat pinakita sa net
Marami na rin natulungan hindi lang sa pera nakakasagip
Baka 'di mo na-gets
Dami ko din natulungan nung sakin sila nakinig

Yung iba nayayabangan
Yung iba ginaganahan
Lalo pag naunawaan nilang pinupunto ko lamang palagi na kahirapan ang kalaban
At para sipagan yung mga kinakalawang
Gamitan ng kamay na bakal
Lagi ko pinapakitaan na walang pwedeng makaharang
Pero katamaran ang numero unong sagabal

Hanggat maaga agapan
Mahalaga umuusad
Wala sa bilis o bagal
Kadalasan natatalo sa una kaya wag unahin umangal
Akala ko din ay wala nang pagasa noon
Tignan mo ngayon umaapaw

Sige check mo sa feed mo sino yung laman?
Wag ka magugulat kung nandito nanaman
Ano kaba wala dyan bago kalma ka lang
Wag ka kabado

Oh sige i-check mo sa feed mo sino yung laman?
'Di mauubusan kahit na magpa-ulan
Ano ka ba? 'Di na to bago kalma ka lang
Kada gawa ko pasabog

Pinakitaan lang nung 2020
Pinasabugan na nung 2021
22, 23 steady lang
2024 ako na yung RAPSTAR!

Ahhh...
Hahhh...
Wolf!
Rapstar!
Driftstar!

Dati naka nike cortez
Sali contest
Ngayon pag ginagawa parang effortless
Marami-rami na rin yung tatanawin
Kung simula pa nung 2010

Ngayon laging naka nike cortez
'Di na contest
Tapos pag ginagawa ko dami audience
Yung mga usapan lagi 'di manipis
Iba na sa 2026

Oha! Kamusta na ba?
Ako ayos na ayos lang pati bulsa
'Di na para magtanong kung kamusta kana
Alam kong ayos kung sakin ka nakapusta
Oh diba 'di kita pinahiya na sa akin ka nakataya

'Di lang sa pinarinig
Pati pano niyanig
Dami ng pinabilib
Sarili ko lang dinaig
Sabi nila magaling kaya lalo ko pa diniin
Nung tinamaan BINGO!

'Tas ito yung update talagang nag-upgrade
Daming nagawa na 'di ma-hate
'La sila ma-say kala mo mga labi naka-tape
Iba na sa dati
Yung iba naman hindi ma-take na
Lalong 'di huminto nung nagka-break

Now it feels like
Zero na yung takot tapos sandaan yung faith
Click lagi kahit walang bait
Naka Peace sign
Pero nagtatago hintuturo kapag galit
Kahit zero ego na sa life yung

Dati naka nike cortez
Sali contest
Ngayon pag ginagawa parang effortless
Marami-rami na rin yung tatanawin
Kung simula pa nung 2010

Ngayon laging naka nike cortez
'Di na contest
Tapos pag ginagawa ko dami audience
Yung mga usapan lagi 'di manipis
Iba na sa 2026

Dati-Dati naka nike cortez
Sali contest
Ngayon pag ginagawa parang effortless
Marami-rami na rin yung tatanawin
Kung simula pa nung 2010

Ngayon laging naka nike cortez
'Di na contest
Tapos pag ginagawa ko dami audience
Yung mga usapan lagi 'di manipis
Iba na sa 2026


You May Also Like
Jeff Grecia - "Balik Tanaw" Bumabalik sa akin ang nakaaraan Tamis, sakit, at galit ng karanasan Malabo dahil 'di mo maintindihan Magkaiba ang kulay na ibinigay ng orasan Bumabalik sa akin ang nakaaraan Tamis, sakit, at galit...
Nateman - "HIRAP MONG MAHALIN" Hirap mong mahalin (Yeah, yeah, yeah, yeah) Hirap mong mahalin, hirap mong mahalin Hirap mong mahalin, ang sabi delikado Nakalikod sa'yo ay de baril at sindikato Alam mo sa sarili mo kung anong...
Juan Caoile & Kyleswish - "Marikit Sa Dilim" Ikaw ang binibini na ninanais ko Binibining marikit na dalangin ko 'Lika na dito sa kwarto ko Alam mo na ang kasunod nito yeah Uh uh uhuh (napa-damn) Uh uh uhuh (marikit kahit na sa dilim) 'Di...
Bugoy Na Koykoy - "Walang Tint" (2 Joints Parang Mafia) Walang tint ang binta para kita mo ako Mga kontra ay na ka tingin binabagalan ko Walang tint ang binta para kita mo ako Panoorin mong yumaman yung tao na ayaw mo Na sa aking...
HELLMERRY - "4:AM" Hinahanap ka, andito ka lang kanina Mag-isa sa kama, simula nung umuwi ka Tableta sa sistema para akong nanghihina Habang usok lamang sa dilim 'yung nakikita Hinahanap ka, andito ka lang kanina...