"High Score" lyrics

"High Score"

Oh, hinding-hindi ako magpipigil
'Tataya lahat, hindi magtitipid
Gagawin ang dapat kong gawin
Alam ko na magagawa ko rin

Balang araw maging icon
Gusto ko kagaya ko si idol
Mala-Michael Jordan huma-high score (Uh-uh)
Kilala magaling, pagdating sa ring
Balang araw maging icon (Icon)
Gusto ko kagaya ko si idol (Idol)
Kaya 'yung tyaga ko tina-times four (Pow, pow, pow)
Ratrat lagi parang rifle (Prrt, prrt, prrt, prrt, prr-rrah)

'Wag na 'wag kang kakagat sa fake, iwas ka sa foul
'Wag kang makampante, ingat sa galaw
'Wag puro atake, aralin dumepensa
Minsan din dipende 'yan kung pa'no ka pumwersa
Minsan kailangan pahabain ang pasensya
Isa 'yan sa mga pangunahing diperensya
'Pag natambakan ka na do'n ka maghahapit
Pero 'pag naka-lamang ka na, nakakampante
Sana kuha mo 'yung punto (Punto)
Mula simula hanggang sa dulo (Dulo)
Dapat isagad mo 'yung laro mo
Dapat lagi nakatutok kada minuto

Balang araw maging icon
Gusto ko kagaya ko si idol
Mala-Michael Jordan huma-high score (Uh-uh)
Kilala magaling, pagdating sa ring
Balang araw maging icon (Icon)
Gusto ko kagaya ko si idol (Idol)
Kaya 'yung tyaga ko tina-times four (Pow, pow, pow)
Ratrat lagi parang rifle (Prrt, prrt, prrt, prrt, prr-rrah)

Kasama na sa laro, natural lang madapa (—pa)
Natural lang matalisod, natural mabutata
'Di ka dapat natitinag, 'di ka dapat mauga (Hey)
'Di ka dapat nanghihina, 'di nila pwede makita
Kung matalo, manalo, hanapin kung sa'n ka mali (Oh-oh)
Para malaman mo rin kung sa'n mo kailan magbawi
'Yung pinakamagaling na ikaw pa na palabasin (Pa'no, pa'no?)
Dapat ay wala kang pagkakataon na palalagpasin
Bawal ang malabot na binti (Bawal ang malabot na binti)
Kailangan buo ang dibdib (Kailangan buo ang dibdib)
At sa sarili may bilib kasi may gustong marating
At patunayan sa marami kahit na paunti-unti

Na balang araw maging icon
Gusto ko kagaya ko si idol
Mala-Michael Jordan huma-high score (Uh-uh)
Kilala magaling, pagdating sa ring
Balang araw maging icon (Icon)
Gusto ko kagaya ko si idol (Idol)
Kaya 'yung tyaga ko tina-times four (Pow, pow, pow)
Ratrat lagi parang rifle

Para tuparin 'yung balang araw maging icon
Gusto ko kagaya ko si idol
Mala-Michael Jordan huma-high score (Uh-uh)
Kilala magaling, pagdating sa ring
Balang araw maging icon (Icon)
Gusto ko kagaya ko si idol (Idol)
Kaya 'yung tyaga ko tina-times four (Pow, pow, pow)
Ratrat lagi parang rifle (Prrt, prrt, prrt, prrt, prr-rrah)


Writer(s): Archie Dela Cruz
You May Also Like
Shanti Dope - "Tricks" So many hoes, wanna go play tricks on me, on me, on me, on me... So many hoes, wanna go play tricks on me, on me, on me, on me... Mga batang panginoon na naglalaro lang Sa bandang alapaap, ang...
Kiyo - "Puyat" Ang tanong, bakit ba paikot-ikot? 'Di na nakatulog, nalutang Puyat nanaman, ang isip ko saan kaya matatagpuan Ligaw ang aking sarili, binibilog bilog la' na bang katapusan? Daming dinanaan na pasikot...
John Roa - "Alam Ko" Tumingin ka sa akin May gusto lang akong linawin Di naman magagalit Sagutin mo lang ako kung bakit May luha pa rin sa 'yong mata Lungkot ba'y hindi ko nabura Akala ko tayo ay masaya Ngiti mo ay tila...
HELLMERRY - "BAE" Ahh, sa'kin ka na lang sana Wag ka makinig do'n sa iba 'Di ko kaya mawala ka Lagi akong umaasa Na ikaw ang katabi sa kada Babaon sa kama ng umaga Ayaw ko nang mawala ka, bae Oo, grabe ka nung una...
Al James - "Mood" Yeah Ayy Ang ganda ng mood, tamang pausok sa room Samahan mo ako sa mga pagsubok, patungo sa moon Mata parang naka-zoom, lutang na parang balloon Payapa't tahimik ang agos ng tubig sa aming lagoon...