"Bulag, Pipi At Bingi" lyrics

"Bulag, Pipi At Bingi"

Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali
Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi

Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
H'wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ano sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal


Writer(s): Rigor Snaffu
You May Also Like
Gary Valenciano - "I Will Be Here" Tomorrow morning if you wake up And the sun does not appear I... I will be here If in the dark we lose sight of love Hold my hand and have no fear 'Cause I... I will be here I will be here... When...
Hotdog - "Manila" Maraming beses na kitang nilayasan Iniwanan at iba'ang pinuntahan Parang bababeng ang hirap talagang malimutan Ikaw lamang ang aking laging binabalikan (Quiapo Quiapo Quiapo, isa na lang ah, aalis...
VST & Company - "Magsayawan" Tayo ay magsaya at iwanan ang problema Magsama-sama sa ligaya Magsayawan hanggang mag-umaga 'Di na kailangang magpaganda At pumorma kung nagsasayaw ka Balewala, lahat ng ito ay masasayang lang 'Di...
Regine Velasquez - "In Love With You" Just a gentle whisper, Told me that you're gone. Leaving only memories, Where did we go wrong? I couldn't find the words then, So let me say them now. I'm still in love with you. Tell me that you...
Asin - "Gising Na Kaibigan" Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong makita Nagawa mo na ba ang mga bagay na dapat mong ginawa Kalagan na ang tali sa paa Imulat na ang 'yong mga mata Kay sarap ng buhay lalo na't alam mo kung...