"Ahon" lyrics
"Ahon"
(feat. Bugoy Drilon)
Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung 'di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Tanda ko pa nung bata pa
Tatay ko mayr'ong dalang
Pasalubong galing Liverisa
Isang maliit na bisikleta
Na kalong kalong kalong nya
Anak bangon bangon bangon na
Nung binata na at pumoporma
Sa dalaga na kursonada
Dahil walang kotseng ipoporma
Dumadayong nakabisikleta
Umahon ahon ahon pa
Ako'y tapon tapon tapon din pala
Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung 'di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka
Kapag ikaw ay natumba
Pagpagin, bangon ulit
'Di ka dapat mahiyang
Matalsikan, putik-putik
Kahit na gumulong ka
Tiisin mo ang sakit
Pagsikad sa kaliwa
Sa kanan naman ulit
Nakakalula ang ahon
'Di ko yata kakayanin
Tuyo na ang lalamunan
Salubong ka pa sa hangin
Luto sa araw maghapon
Parang binilad na daing
Papunta at pabalik
Sa trabaho na mahiyain
Ang sweldo 'di magmarka
Parang pidal sa alulod
Puwede kang magpahinga
Kesa naman masubsob
Pawis sa mga mata
Batok pati sa likod
'Di ka na makahinga
Pagod ka pa sa pagod
Parang bisikleta ang buhay
Kahit minsan lang aralin
'Di puwedeng pasuray-suray
'Di pwede ang alanganin
Iba't iba man ang kulay
Mura man o mamahalin
Makakarating ka rin
Mabagal man o matulin
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka
Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung 'di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung wala ka nang masakyan
Makipot o maluwag man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka
Woah ooh ooh ooh woah
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
You May Also Like
Mark Carpio - "Ikaw Lang Ang Mahal" Ikaw lang ang tangi kong minamahal
'Di mahalaga ang 'yong nakaraan
Pangarap ko'y sa 'yo pala matutupad
O salamat at ngayo'y nandyan ka na
Nakangiti sa atin
Ang kapalaran natin
Sana ay hindi na nga...
Henyong Makata - "Jo (Minamahal)" Palagi kitang aalgaan
Hindi kita iiwanan
Kahit na araw-araw pa tayong magsama ay hindi ako mag sasawa
At kahit na ano iyong nararamdam ay nandirito ako
Nandirito lang lage kase handa kong gawin ang...
Loonie - "Abante" Wala ng gasolina butas pa ang gulong
Tapos ang sapatos ko'y sira na, uhaw pa at gutom
Kulang ang dalang pamasahe ngunit anu man ang mangyare
Abante abante
Tuloy tuloy tuloy lang ang byahe
Akala ko...
O.C. Dawgs - "Kriminal" Kamusta? tuloy ka halika na pare wag kang mahiyang pumasok
Pasensya kana sa bahay ko medyo madumi at nakakasulasok
Balak ko sanang maglinis kaso dumating ka hindi na umabot
May alak kabang dala wala...
JSE - "Pinagpalit" Ako ay pinagpalit, pero di yon masakit
Alam ko sa sarili ko na ako mas higit
"Yah" "wait" "uhh" ako mas higit
"Yah" "wait" "uhh" ako mas higit
Ako ay pinagpalit, pero di yon masakit
Alam ko sa...