"ALAM MO NA" lyrics
"ALAM MO NA"
Anong pwede kong sabihin?
Sa dami ng gusto 'kong patigilin
Nag-aabang na matalisod 'di kayang pigilin
Mga itinanim, gustong makatikim
Kahit hindi naman sila ang nagpakaitim
Kung 'di mo diniin tumabi-tabi ka rin
Mahirap humanap kaibigang 'di ka tataluhin
Sa lugar na ang sayo ay gusto rin nila
Kung tanghali kang gumising ay pumila ka
Hindi sapat ang magaling dapat handa ka rin
Na matulog ng dilat ang mata sa dilim
Dahil ang pahinga'y para lang sa mga talunan
Mga nauuna lamang ang gustong maabutan
Mga nasa huli, inggit ay binalutan
Mahahaba na kuko ikaw ay gagalusan
Ng regalo para ba makaakbay sayo
Aapiran ka kunwari magkasabay kayo
Masahol pa sa babaeng nagpabili ng madaming regalong mamahalin kahit di naman kayo
Kaya halika na sa byahe, huwag ka nang umarte
Heto na ang guro mo, sige upo sa klase
Lagi kang tingala pero paatras ang diskarte
Matutong yumuko sa lupa para umabante
Di 'to tulad ng dati, laging hindi kasali
Sahod ay di na bale, ang konti ay dumami
Batikang medyo dyahe, may paninda palagi
Hindi nauubusan tubo na walang lyabe
Pag kumamada pantay ang salang walang sablay
Parang pamadang pinalitada at sinuklay
Pasok ang bara 'di sumasala tuwing uunday
Palaging kara itong kartada walang humpay
Walang humpay na parang trapik dito sa 'pinas
Kailan magiging isang hugas lamang ang bigas
Punong hitik na iilan lang ang pumipitas
At ganon talaga ang laging sagot na likas
Parang papaya wag kang madaya ang magparaya
Syang dapat na hinog at laging pinapaubaya
Sa may kailangan at naharangan ay makalaya
Marami na ang syang namatay sa maling akala
Kaya bago ko pa tapusin ang tulang ito
Hayaan munang kayong lahat ay awitan ko
Ng isang tono na no'ng napanaginipan ko
Pinilit ko na matandaan at masulat 'to
Diba ikaw yung makata na kumakamada
Iba't ibang letra na ibinebenta
Kasi dito samin walang mumurahin
Para may makain kailangang hasain
Nakilala ka na, gusto mo ano pa?
Ingat kasi baka bigla kang madapa
May mga nauna bakas ng mga paa
Gamitin ang 'yong mata para alam mo na
Heto na'ng mekaniko
Teka, ano'ng problema ilabas mo na ang pyesa
Magkanong bayad sige ilapag mo sa mesa
Bawal ang maarte para kang tumanggi sa—
Tanggapin mo na kesa—
Nakilala ka na, gusto mo ano pa?
Ingat kasi baka bigla kang madapa
May mga nauna bakas ng mga paa
Gamitin ang 'yong mata para alam mo na
Writer(s): Aristotle Pollisco
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
You May Also Like
Nik Makino - "Lexi" That chick sa tabi she so sexy
And I asked her what's her name she said Lexi
Nagusap kami sa sandali she wanna fuck me
She wanna fuck me
She wanna, she wanna
That chick sa tabi she so sexy
And I...
Al James - "Mood" Yeah
Ayy Ang ganda ng mood, tamang pausok sa room
Samahan mo ako sa mga pagsubok, patungo sa moon
Mata parang naka-zoom, lutang na parang balloon
Payapa't tahimik ang agos ng tubig sa aming lagoon...
Geo Ong - "Don Angelo" Elementarya pa lang ako na madalas na makatsyawan pagkat isa
Ako sa mga walang wala sa paaralan pumapasok na walang kain
May bitbit pang mga pasanin habang suot uniporme kong dalawang araw ng...
Jr Crown, Thome & Chris Line - "Sulyap" J-J-Lhutz
BP Records
Sawndass Music, ayy
'Di na mapigilan ang sariling mapaibig sa iyo
Ano ba 'to?
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko
Baliw sa 'yo, oh, oh
Kaya laging nag-aabang
Para...
Sponge Cola - "Kunwari" Tayo na namang dalawa
Walang sali-salita
Pinag-tagpo ng tadhana
Magkasamang nag-isa
Sa bawat sulyap lang ba
Tayong pwede magkita
Naghihintay, may mauna sa'ting dalawang
Madulas, oh oh oh
Lagi lagi...