"Anghel" lyrics

"Anghel"
(feat. Abaddon & Arvy T)

Huwag kayong makulit
Dati akong baliw at pagod na 'kong manakit (ahuh)
'Di ako mabait
Sa likod nitong ngiti ko, madami ng nasawi (ahuh)

Nililinlang ka lang ng iyong paningin
Mukha ba 'kong batang parang walang kayang gawin?
Kabisado ko kung sa'ng ka patatamaan
Ku'nan larawan, padala sa'yong kamag-anakan

Mainitin ang aking ulo (ulo), maniwala ka
Tinutuloy ko 'pag akin 'tong itinutok (itinutok)
Kapag sa'yo ko 'to sinubo (bang)
Magugulat ka na lang kasama mo na ang iyong ninuno (leggo)

Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim
(Huwag na huwag pare dahil)
Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala

Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim
(Huwag kang magkakamali dahil)
Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala

Kung ako yung tao na iniiwasan kong maging
Ako'y mistulang bulag, paningin ko'y mag-didilim
Daliri sa gatilyo ay aking kakalabitin
Tandaan, mata sa mata, ngipin sa ngipin

Bubunutin ang pako nang granada, sige takbo
Takasan ang lahat ng mga maling ginawa mo
Kaso hindi mangyayari 'yan, kaya galingan mo
Kalagan ang pagka-gapos ng mga paa't kamay mo

Hihilahin ka ng jeep, suot mo lamang ay brip
Hindi na naka-dikit, balat na punit-punit
Ito na ang kapalit, lalatayan ng siit
Kahit ika'y pumikit, ang panaginip ay sakit

Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim
(Huwag na huwag pare dahil)
Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala

Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim
(Huwag kang magkakamali dahil)
Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala

Isang latang walang laman na maingay ang pang-laban niya, bibig niya lang
Wala man lang bigat o husay, walang alam sa mundo, parang 'di pa nabibinyagan
Minsan, ang walang sungay, ang siyang may ka demonyohan
Siyang tunay na walang kaba, na kayang kaya kang dib-diban

Tandaang mas nakaka-ilang ang tahimik lang, kasi ang galawan mahirap hulaan
'Pag nabuang na, ewan ko na lang, me'rong makulit na batang mapaparusahan
Porke't mabait, babanggain ba? ang lupit
Huwag mo na lang na tangkain pa ulit, ha?
Kasi mas masakit 'pag tinamaan ka ng magaling

'Pag nag-bago na'y nag-bago na, lalo't 'pag pamilyado na
Pero ibang usapan na kasi 'pag abusado ka
Pakiusap ikaw ay lumayo, hindi ako takot sa'yo
Takot ako sa kung anong kaya kong mabuhos kapag ako ay napuno kaya

Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim
(Huwag na huwag pare dahil)
Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala

Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim
(Huwag kang magkakamali dahil)
Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala

Huwag niyo kong guluhin, nananahimik na
Pabayaan niyo ako dito na mag-isa
Huwag niyo nang sindihan pa ang aking mitsa
'Di niyo maiibigan 'pag ako'y nag-init na

Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim
(Huwag na huwag pare dahil)
Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala

Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim
(Huwag kang magkakamali dahil)
Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala


You May Also Like
Shamrock - "Naaalala Ka" Kay sarap ng may minamahal Ang daigdig ay may kulay at buhay At kahit na may pagkukulang ka Isang halik mo lang limot ko na Kay sarap ng may minamahal Asahan mong pag-ibig ko'y tunay Ang nais ko'y...
Sugarfree - "Makita Kang Muli" Bawat sandali ng aking buhay Pagmamahal mo ang aking taglay San man mapadpad ng hanging Hindi magbabago aking pagtingin Pangako natin sa maykapal Na tayo lamang sa habang buhay Maghintay...
Callalily - "Pasan" Naglalakbay sa gitna ng dalampasigan Minamasdan ang alon Na humahampas sa nakaraan Umihip ang hangin Sa langit ako'y napatingin Ulap ay sadyang kaydilim Tila yata may bagyong parating Bakit ka...
Hale - "The Day You Said Goodnight" Take me as you are Push me off the road The sadness, I need this time to be with you I'm freezing in the sun I'm burning in the rain The silence, I'm screaming calling out your name And I do reside...
Cueshe - "Pangako" Kislap ng ‘yong mga mata Ako’y iyong nadadala Parang anghel ang ‘yong ganda 'Di maiwasan hahanap-hanapin ka O kay tamis ng ‘yong mga ngiti Ako’y iyong naaakit Tulad ng rosas nakakaaliw 'Di mapigilan...