"Dalaw" lyrics
"Dalaw"
(feat. Bishnu Paneru)
Isang umagang maulan
Bagyuhan nanaman
Ilang taon nadin pala yung mga nagdaan
Pakiramdam ay kahapon parin ang nakaraan
Iba yung ihip ng hangin ngayon parang dumagan
Sa dibdib ko yung bigat
Palalim kada hinga
Pinikit ko lang ang dalawang malabo kong mata
Ako'y ginising kasi meron
Nga daw sakin bumisita
Dalawang dekada na mula huli kitang nakita
Pero iba bumungad sakin baka bunso mong kapatid
Nakatitig lang sya sakin at tahimik nagmasid
Mangiyak ngiyak ng may iniabot sya saking liham
Tinanong ko ang pangalan nya, sagot nya ay ngiti lang
Mahigpit nya kong niyakap bago nya ko alisan
"Kasalanan mo lahat" yan ang iniwan nyang laman
Saking isip habang dahan dahan kong binubuksan
Ang sinulat saking liham na kasabay ng pag ulan
Ay may
Luhang tumutulo
Ang buhay masakit kapag nagturo
Alam kong dito narin ako tatanda
Araw araw walang dalaw
Mahapdi pag nakanti sugat sa bubog
Sa gabi di narin ako makatulog
Magbabago pa ba okaya magtatanda
Araw araw walang dalaw
Oh mahal kamusta ka?
Maayos ba lahat?
Pasensya di ko gustong umalis noon pagkat
Giniba yung bahay natin 'di lang kita matapat
Pero kailangan kong buhayin yung iniwan mong anak
Napakahirap mag isa kaya napakapit sa patalim
Para makaraos at maayos ang kamisetang susuotin
Sa kinabukasan ng anak natin laging saktuhan minsan bitin
May konting liwanag din na sukli yung kada sayaw ko sa madilim
Kaya wala na kong mukang ihaharap sayo ulit
Wala kong pang gamot sa malala ko na sakit
Kung pwede lang yung oras sabay nating ibalik
Ano man ang kapalit ulit ng una mong halik
Di ko gusto na itago sayo habang
Inaayos ko yung kaso, pang mayaman yung batas
Sa pera lang yung makatao, ginawa ko lahat kaso
Kinailangan ko magbago, ako lang din sa anak mo
Mag isang umasikaso
Patawarin mo rin sana
Di kita napakilala
Ng maayos sa anak mo
Baka lalong lumala pa
Eto lang ang pinamanang
Kayamanan ko na kaya
Sa tuwing nakatingin sya
Pabalik ay kamuka ka
Kaya di makalimutan
Na ang buhay ko ay kulang
Pinipilit kong kayanin
Mag isa maging magulang
Patawarin mo rin sana
Kung hindi ka nya kilala
Nakikita sa likod ng mga ngiti ko
Ay may
Luhang tumutulo
Ang buhay masakit kapag nagturo
Alam kong dito narin ako tatanda
Araw araw walang dalaw
Mahapdi pag nakanti sugat sa bubog
Sa gabi di narin ako makatulog
Magbabago pa ba okaya magtatanda
Araw araw walang dalaw
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
You May Also Like
Smugglaz - "Hakuna Matata" Wag ka mag-alala la la la la la...
Di habang panahon, mananatiling mailap ang pagkakataon
Kahit na parang ngayon tila ba nakabaon
Ang kalahating katawan lupa mo't nasa kahon
Eh pano buhay ka pa...
Mayonnaise - "Bakit Part 2" Lumuha ka ng nagiisa
Nakadungaw sa buwan
Lumilipad ang isip mo
Nakasabit sa ulap
Ngunit bakit, pinilit
Kung ayaw ko'ng masaktan?
Sinabi ko sa kanya
Na 'di parin nililikha
Ang katulad ko na parang...
Stick Figgas - "Hiram" Limitado ang renta natin sa planeta
Nasasayang sa mga bagay na walang kwenta
Kung pinanganak ka ng dekada otsenta
Wag ka nang umasang umabot ka pa ng nobenta
Alaala na ang kabataan ang saya-saya...
Rocksteddy - "Deadma (Version 1)" Matagal ko nang gustong malaman mo
Matagal ko nang itinatago-tago 'to
Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
Pwede bang bukas na, ipagpaliban muna natin 'to
Dahil kumukuha lang ng tyempo
Upang...
6cyclemind - "Sige" Sige, pag kasama ka naman,
Kitang-kita ko ang ating kasiyahan
Sige, wag na nating pigilan
At di magtatagal, tayo ay liligaya
Okey lang naman ang ating usapan
Hindi na lang babalikan ang nakaraan
Ang...