"HILATSA" lyrics

"HILATSA"
(feat. CRAINZEE)

Huwag kang lalapit sakin
Kung ayaw mong buhatin
Ang nasa balikat
Na pasan pasan ko

O di kaya'y lusungin
Ang dapat susugin
Laging susunugin
Yan ang alam ko

Huwag kang lalapit sakin
Kung ayaw mong buhatin
Ang nasa balikat
Na pasan pasan ko

Iwasang mag-apura
Dapat alam mo na
Sadyang magkaiba
Ang hila't saya
Nating dalawa

Hoy halika dito
Singong gustong makipagkolabo
Pero bawal ang mabahong sulat
Na medyo malabo

May baon akong kandado
Bubuksan lang ng ganado
Manalo matalo
Ekis sa palalo

Lalo na yung todong pumutak
Pero ayaw kumahig
Mga takot tumaya
Na gahaman kung makahamig

Kinukulang sa pananampalataya
At panalig
Ang lagi mong nilalabi sa akin
Ay may tumabig

Sa ego mong sobrang lapad
Parang biskotsong binabad
Magdamag na nakakalat
Kaya laging inaalat

Ang balat banat ng banat
Yung amat ayaw paawat
Lahat ng may lamat
Ikaw ang dapat magpasalamat

Imbis na puro pahaging
Na parang maching sa baging
Hukay ng hukay ng pain
Palaging kulang sa lalim

Tumingala sa kalawit
Daang maputik lakarin
Baka sakaling palarin
At makasabay sa amin

Gusto mo bang makita
Yung gilas ng batang
Madalas dating tapakan
Ng mga pugad ng nagpapaangatan

Hindi mo aakalain
Dahil walang makakapagsabi
Ngayon ay nagkakandarapa ka na
Ako'y malapitan

Wag mo nang subukan
Kung di mo kayang dalhin
Hindi mo rin 'to pupwede
Na basta lang maniin

Paano ka matatagumpay
Kung para kang manikin
Nung ang pananim ko ay binagyo
Ay nagawa ko yung saluhin

Kaya mo bang gawin
O baka puro hilata
Wag mo akong baliwin
Ikaw ay hibang na ata

Kaya mo bang pasanin
Ang aking mga panata
Dapat laging mariin
Ang bitbit mo na talata

Kung ayaw mong maranasan
Yung mga bagay
Na halos bumigay ang balikat
Wag ka sa'kin lumapit

Kung ayaw mong malagasan
Hanggang diyan ka na lang
Wag mo nang asamin pa
Na sa amin ay sumabit


You May Also Like
Rivermaya - "Himala" Pangarap ko'y Makita kang Naglalaro sa buwan Inalay mo Sa akin ang Gabing walang hangganan Hindi mahanap sa lupa ang pag-asa Nakikiusap nalang Himala, kasalanan bang Humingi ako sa langit ng Isang...
6cyclemind - "Prinsesa" Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok Ewan ko ba kung bakit Sa libu-libong babaeng nandoon Wala pang isang minuto Nahulog na ang loob ko sayo Gusto ko sanang marinig ang tinig mo Umasa na rin na...
Bamboo - "Noypi" Tingnan mo ang iyong palad Kalyado mong kamay sa hirap ng buhay Ang dami mong problema Nakuha mo pang ngumiti Noypi ka nga astig Saan ka man naroroon Huwag kang matatakot Sa Baril o Patalim Sa bakas...
Itchyworms - "Love Team" 'Di, 'di naman talaga Tayo mag-sinta Pero gusto nila, kahit ayaw mo Bagay raw tayo 'Di naman totoo mga yakap mo Pang-eksena lamang ito Di mo lang alam Na nababaliw na 'ko sa iyo Di ko na yata kaya...
Sponge Cola - "Tambay" Makikisilong lang Magpapalipas ng ulan Kwentuhan lang ang katapat Pero mas masaya kung ilabas ang gitara Bigyan ng ingay itong gabi Walang tahimik na sandali Tara na... Umawit kasabay ng kanta...