"Kagat Ni Eba" lyrics
Gloc-9 & Thyro Alfaro Lyrics
"Kagat Ni Eba"
(from "The Escort Wife" soundtrack)
Aasa, maniniwala
Sasama sa ngalan ng pagmamahal
Dinaya kahit nagparaya
Kinaya kahit pa sinasakal
Mahuhumaling sa maamo mong mukha
'Di akalain na sa 'yo magmumula
Ang hapdi sa latay at haplit ng iyong galit
Nakakubli sa bango at kagandahan mong gamit
'Pag gumanti si Eba
Kahit ahas ay aamo
Gusto mo ng pruweba
Katinua'y maglalaho
'Pag gumanti si Eba
Lahat ng malinaw lalabo
Simula na ng gera
'Pag gumanti si Eba
'Pag gumanti si Eba
'Pag gumanti si Eba
Pinitas ka na parang mansanas sa puno
Binuhusan ng yaman
Binalutan ng luho
Kastilyong buhangin na sa alon gumuho
Sa wagas na sumpaan
May isang sumuko
Ikaw ay pinapaniwala na aalagaan
Lagi kang iingatan hindi ka papabayaan
Matitinik na rosas sa 'yo ay pinapatapakan
Dahil wala nang totoo sa hardin ng bulaan
Kahit ang pako ay nasasagad
Ang duwag pumapalag
Gapos ay nakakalag
Lason ay tumatalab
Liham ay nagliliyab
Haligi ma'y natitibag
Alaalang parang salamin nagkabasag-basag
Hinayaan mo kasing uhaw
Naasiman na sa lahat ng mga pangako mong hilaw
'Di mo inakala na siya mismo ang tutuklaw
At ang siyang magtatapos sa ang nagsimula ay ikaw
Mahuhumaling sa maamo mong mukha
'Di akalain na sa 'yo magmumula
Ang hapdi sa latay at haplit ng iyong galit
Nakakubli sa bango at kagandahan mong gamit
'Pag gumanti si Eba
Kahit ahas ay aamo
Gusto mo ng pruweba
Katinua'y maglalaho
'Pag gumanti si Eba
Lahat ng malinaw lalabo
Simula na ng gera
'Pag gumanti si Eba
Aasa, maniniwala
Sasama sa ngalan ng pagmamahal
Writer(s): Aristotle Pollisco
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
You May Also Like
Yeng Constantino - "If We Fall In Love" There will be no ordinary days for you
If there is someone who cares like I do
You have no reason to be sad anymore
I'm always ready with a smile
With just one glimpse of you
You don't have to search...
Bamboo - "Masaya" Ako'y malungkot nanaman
Amoy chico na ako
Ilang tagay na hindi pa rin tulog
Tanong ko lang sa langit
Kung bakit pumangit
Nung dating masaya
Ngayo'y panay problemang
Bumabalot sa buto
Bakit ganito...
Ariel Rivera - "Minsan Lang Kitang Iibigin" Mahal, pangako sa iyo
Hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit Ikaw ay lumayo
At masaktan ako
Asahan na 'di maglalaho
Ang pag-ibig ko'y tanging sa'yo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman...
Parokya Ni Edgar - "Pangarap Lang Kita" Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
Di tulad sayo, imposible
Prinsesa ka, ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari
At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta...
Sponge Cola - "Makapiling Ka" Pagdilat
Ikaw agad ang hinahanap sa umaga
Nasaan ka na?
Malayo ka pa ba?
Kay tagal ng iyong pagbabalik
Minsan
Nahuhuli ko ang sariling nakangiti
Malayo ang tingin
Malalim ang isip
Kailangang magkita...