"Kahit Malayo" lyrics

"Kahit Malayo"

Sino ang siyang mag-aakala
Na isang batang Binangonan
Sumasampa ng entablado at pinagtatawanan
Dahil mahilig siyang tumula
Nakatingala, nangangarap nang gising
Kailanma'y 'di nawalan ng pag-asa na
Darating din ang araw na siya ay sisikat din

Kahit na malayo, sumama ka
Kahit sa malayo, kasama ka
Kahit na malayo, sumama ka
Kahit sa malayo, kasama ka
Hanggang sa makauwi

Ang nais ko lamang naman gawin ay
Sumulat ng mga salita't ipadinig sa iba
Kahit lahat ng mga bintana at mga pintuan ay paulit-ulit na sinasara
Sa 'yong mukha
Mapalad ka 'pag sinabihan ka walang papupuntahan
Madaling mababali ang ganyang mga pahayag, isipin mo
Kahit maka-isang hakbang ka lang

Kahit malayo, sumama ka
Kahit sa malayo, kasama ka
Kahit na malayo, sumama ka
Kahit sa malayo, kasama ka
Hanggang sa makauwi
Hanggang sa makauwi
Hanggang sa makauwi

Dati-rati sa tabi-tabi lamang bumibitaw
Lahat hahainan kahit aminado pa na hilaw
Loob na mas malakas sa sigaw ng mga batingaw
Susuungin ang lahat kahit magkaligaw-ligaw
Dati-rati ang bayad na hinihintay lang ay tyansa
Upang makahawak ng mikroponong malansa
Para makilala nakahandang dumaan sa
Butas ng karayom o ilalim man ng plantsa
Biyahe na nagsimula sa pagsakay ng dyip
Traysikel, pedicab, o sa bus na masikip
Ang tingin sa'yo ng ilan sadyang napakaliit
Kaso ako'y parang bata sadyang napakakulit
Hahabulin ang pangarap kahit ga'no pa katulin
Bawat dulo'y ibubuhol ilang beses mang putulin
Susunugin ang kilay lahat ng oras gugugulin
Hanggang sa matandaan pangalan kahit 'di ulitin

Sino ang siyang mag-aakala na isang batang Binangonan
Sumasampa ng entablado at pinagtatawanan
Dahil mahilig siyang tumula
Nakatingala, nangangarap ng gising
Kailanma'y 'di nawalan ng pag-asa na
Darating din ang araw na siya ay sisikat din

Kahit na malayo, sumama ka
Kahit sa malayo, kasama ka
Kahit na malayo, sumama ka
Kahit sa malayo, kasama ka
Hanggang sa makauwi

Kahit na malayo, sumama ka
Kahit sa malayo, kasama ka
Kahit na malayo, sumama ka
Kahit sa malayo, kasama ka
Hanggang sa makauwi
Hanggang sa makauwi
Hanggang sa makauwi
Hanggang sa makauwi
Hanggang sa makauwi


Writer(s): Aristotle Pollisco
You May Also Like
Matthaios & VNCE - "Ligaw" Matthaios be wonderin' Yuh Kakaskasin ang gitara At aalayan ka ng isang harana Sana'y iyong pakinggan, aking mga dahilan Kung ba't ang puso ko'y ikaw ang nilalaman Kakaskasin ang gitara At aalayan...
Cueshe - "Pangako" Kislap ng ‘yong mga mata Ako’y iyong nadadala Parang anghel ang ‘yong ganda 'Di maiwasan hahanap-hanapin ka O kay tamis ng ‘yong mga ngiti Ako’y iyong naaakit Tulad ng rosas nakakaaliw 'Di mapigilan...
Agsunta & Moira Dela Torre - "Kahit Kunwari Man Lang" 'Sang lihim ang pagtingin sa'yo Sa tago lang ang pag-ibig ko Dahil sa lihim hinding hinding hindi ka lalayo Ngayon na may nagpapaligaya na Sa lihim na lang binaon ang luha Pinilit pilit pilit maging...
Apekz - "Pasulyap Sulyap" Gusto ko na mapasakin ka Pero hindi ko naman maamin na May gusto ako sayo kinakabahan ako Hindi ko man lang magawang biglang lumapit sa Isang katulad mo na para bang prinsesa Ang pera ko lang ay...
Midnasty - "Pakilig" (Oh no, oh no no) Bawal bulala diri Asang bino mulala nami Asa nami for the party mag inom ba sa langit Wa namiy masigaan kay dili man maapsan Balhin lain puwesto Okay deretso Kay imong mga kuyog...