"Kakampi" lyrics

"Kakampi"
(feat. Abaddon & Hero)

Ramdam ko ang nasa loob, tandaan mo ang ikaw ay ako
Ang pangako'y pang-hawakan mo dahil sumpa ko yan sa'yo
(Ako'y kakampi mo)

Kapag ayaw ko nang tumaya, ikaw ang meron ko sa wala
Mahahanap kahit pumikit, mabulag man ay makakapa
Bingi ma'y ngalan mo lang ang tunog, laman ng pusong lumalagabog
Ikaw ang siyang tanging sumasagip, sa ganda mo ako'y lumulubog

Alam kong hindi madali, tanaw ko kung sa'n ka nang-gagaling
'Pag naligaw ay uuwi lagi sa pag-mamahalan natin

Malalampasan din natin ang lahat ng 'to
Walang hindi kaya, basta tayo'y mag-kasama
Pahinga lang saglit, huminga't pumikit
Tapos laban ulit, gano'n tayo kalupit
Mas madaling lumaban
Mas matindi 'pag tayo ay mag-kakampi

Hindi mo maitatago sa'kin ang takot sa'yong mga mata
Ano ka ba? Ramdam na ramdam kita
Pa'no kung 'to na yung dulo? kahit pa na mag-tulungan tayo
Alam kong duda ka din minsan

Ang dami mong tanong, na simple ang sagot
Walang bibitaw, yan ang usapan, 'lagi lang palag
Oh huwag kang kabahan, 'di ka pababayaan
Eh ano kung madapa, mahalaga ay mag-kasama

Kahit sa'n pa tayo dal'hin ng mga desisyon
Tama o mali man, ating panindigan
Ilang beses na tayong sinubukan
Kaya 'di para sukuan, tagusin nating sabay ang kabiguan

Malalampasan din natin ang lahat ng 'to
Walang hindi kaya, basta tayo'y mag-kasama
Pahinga lang saglit, huminga't pumikit
Tapos laban ulit, gano'n tayo kalupit
Mas madaling lumaban
Mas matindi 'pag tayo ay mag-kakampi

Ilang beses na ba tayong sinubok ng tadhana?
Nabibigo, nalilito pero ang mahalaga nandito parin
Gano'n tayo katibay

Walang hindi kakayanin, lalo no'ng inalay ang buhay mo sa'kin
Walang ibang hangarin kung'di ang makabawi at tabihan ka sa
Mga oras na kinakailangan ng karamay sa kalungkutan

Nandito ako para malapitan, sa hirap o ginhawa asahan
Kasama mo 'ko sa kaduluduluhan, huwag kang mangangamba
Huwag kang mag-alinlangan
Hanggang sa magawa nating permanente ang panandalian na kaligayahan dahil

Malalampasan din natin ang lahat ng 'to
Walang hindi kaya, basta tayo'y mag-kasama
Pahinga lang saglit, huminga't pumikit
Tapos laban ulit, gano'n tayo kalupit
Mas madaling lumaban
Mas matindi 'pag tayo ay mag-kakampi

Mas madali 'pag tayo ay mag-kakampi
Tayo'y mag-kakampi


You May Also Like
Matthaios - "Catriona" Matthaios be wonderin' I love the way she makes me smile, she makes me smirk (yes sir) It gives me chills, it makes me blush, it gives me worth (worth) And I can see her winning the Miss Universe...
Nik Makino - "Mabagal Lang" Ah... Ah... Ah... Mabagal lang, mabagal lang (Baka kasi mapagod ka 'pag iyong binilisan) Mabagal lang, mabagal lang (Paningasin muna bago mo paapuyan) Mabagal lang, mabagal lang (Umupo ka sandali,...
Flow G - "Unli" Bars (Wala wala wala wala wala) Multi (Wala wala wala wala) Wordplay (Wala wala wala wala wala) Metaphor (Wala wala wala wala) Autotune (Wala wala wala wala) Ex B (Baduy baduy baduy baduy baduy)...
Mayonnaise - "Ipagpatawad Mo" Ipagpatawad mo, aking kapangahasan Binibini ko, sana'y maintindihan Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa'yo, ayaw nang lumayo Ipagtawad mo, ako ma'y naguguluhan Di ka masisi na ako...
Shamrock - "Haplos" Mahal hanggang kailan Maghihintay ang puso ko Nangungulila sa iyo Handog ang buhay ko Sa bawat pintig ng pulso Ay alay lamang sa iyo Lahat ibibigay Basta't sa kin ika'y wag nang mawawalay Sabihin...