"KB" lyrics
"KB"
(feat. Karl Banayad)
Mga yapak ko na
Nakadiin sa lupa
Itinatak ko na
Kahit kulang sa tinta
Iniyak ko na
Tuyo na ang mga luha
Nang matiyak ko na
Aking makukuha
Banat ng banat
Ikalat, di magpapaawat
Bayad ng bayad
Sumayad hanggang magkalamat
Lakad ng lakad
Natanas nawala nang balat
Sa paa ko malayo
Paspas man o Banayad
Di kasali ang manibela
Hanggang Estrella
Nakasabit, nagalit kundoktor
Kulang ang pera
Upang makauwi
Nangutang ako sayo diba
Sabay takbo, iwan ako
Sanay sa etchepwera
Ganyan noon ang laging inaabot ko
Ngayon ay nag-iba noong naabot ko
Tala na sabay natin na ginugusto
Silay naghihilata habang binuhos ko
Kumukulo sa init, di alintana ang paso
Handa sa pagsusulit, laging maagang pumasok
Namanhid na ang batok sa lahat ng mga dagok
Kami ang nag-igib kaya kami din ang sasalok
Mga yapak ko na
Nakadiin sa lupa
Itinatak ko na
Kahit kulang sa tinta
Iniyak ko na
Tuyo na ang mga luha
Nang matiyak ko na
Aking makukuha
Di ko akalain na aabot ako dito
Makasama ko ang aking paborito
Na makata sa Pinas, parang kausap ko na din si Kuya Kiko
Grabe yung ngiti ko, abot langit walang biro
Dapat laging magaling, kahit wala sa mukha
Kada dakdak madain, hindi mabuta-butata
Natupad ang kalahati sa pangarap ko bigla
Na dala-dala lang ay isang malalim na tula
Kung nabubuhay lang si Nanay, "malamang"
Isa sya sa mga nakangiti
Naka magandang babaeng may matamis na ngiti
Sa dami kong natanggap
Na papuri ay hindi
Kumapal yung apog ng makahiya nakatuping
Nakatanim sa aming lugar
Na may bungang matinik
Tigas ng ulo sa pangarap lang ginamit yung kulit
Na parang bagong gupit
Kada sulat masakit
Palaging malupit na parang naka-tribal na damit
Pag sa amin dumikit
Mga yapak ko na
Nakadiin sa lupa
Itinatak ko na
Kahit kulang sa tinta
Iniyak ko na
Tuyo na ang mga luha
Nang matiyak ko na
Aking makukuha
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
You May Also Like
CLR & Omar Baliw - "K & B II" Tulog ko ay laging hating gabi
Simot ang oras hindi na 'ko nagtabi
Yeah ang itinanim ay bumunga na't magdidiwang kami
Mga tunay lang ang laging katabi
Nasaan ka no'n nung iilan lang kami
Yo! Konting...
Smugglaz - "Hakuna Matata" Wag ka mag-alala la la la la la...
Di habang panahon, mananatiling mailap ang pagkakataon
Kahit na parang ngayon tila ba nakabaon
Ang kalahating katawan lupa mo't nasa kahon
Eh pano buhay ka pa...
Sugarfree - "Makita Kang Muli" Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay
San man mapadpad ng hanging
Hindi magbabago aking pagtingin
Pangako natin sa maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay...
Michael Pangilinan - "Kung Sakali" Buhay ko ay sayo lamang
Hinding-hindi magbabago ang isip ko
Tunay ang pagtingin
Sanay ganon ka rin giliw
At kung sakali man ikaw ay
Mayron ng ibang minamahal, minamahal
At kung sakali mang tuluyan...
6cyclemind - "Sige" Sige, pag kasama ka naman,
Kitang-kita ko ang ating kasiyahan
Sige, wag na nating pigilan
At di magtatagal, tayo ay liligaya
Okey lang naman ang ating usapan
Hindi na lang babalikan ang nakaraan
Ang...