"Magarang Kotse" lyrics

"Magarang Kotse"
(feat. Tuglaks & Abaddon)

Pa'no ko sasabihin sa'yo 'to, totoo
'Di lang bali-balita, taranta na sa tuwing ika'y nakikita
Pambihira ba naman kasi ang kagandahan mo, wala akong ma-say
Walang oras na hindi kita inisip, night and day
Sana balang-araw makadate kita, is that okay?

Yan sana ang gusto kong itanong yesterday
Sana ang yes, makamit ko na kasi masiyado na akong O.A.
Ang mahalin ka, ang lokohin no way, ako ang Clyde mo aking Bonnie
'Ride or die' mo ako for life at ikaw naman ang aking soulmate

Kahit na alam ko na malabo na ako'y iyong pag-bibigyan
Dahil nga mahirap lang ako, walang panama sa mga ilang nanliligaw sa'yo
Na kung sakaling makasingit, hanggang silip lang sa gilid, mananahimik
Habang nakatitig, mananaginip na naman ng gising habang sinasabi sa sarili

Ano nga naman ang laban ng tulad kong simpleng tao lang sa kaniya

Dahil ngayon alam ko na, sadyang magkaiba
Ano nga naman ang 'di mo pwedeng makita sa kaniya
Siya'y mayro'ng magarang kotse
(Oooh, wallet ay doble-doble)

Ngunit ngayon alam ko na, talaga namang mag-kaiba
Napakalayo ko sa kaniya
Kaming dalawa, mayaman siya, ako'y pobre
(Mahalin mo imposible)

Sa tuwing titingala ay laging nahingi ng himala
Sana maging isang milyonaryo ako, baka mahalin mo rin kaya
Baka pwedeng bumalik pa't mamili ng aking magiging Ina
Oh bakit 'di kaya ako mayaman ding ipinanganak

Na katulad niya na gwapings at malakas ang dating
Kaya kang dal'hin sa mga lugar na 'di mo pa nararating
Kaya niyang ibigay ang buhay na hangad mo
Kaya naman mabuti pang tanggapin ko na ako'y hanggang tingin na lang sa'yo

'Kala ko abot-kamay na kita, 'kala ko lang pala, kahit na mauntog ka pa
Ay malabo kang mapa sa'kin, kung dati pa, nakapili ka na
Mabuti pa kayang sa iba ko na lang 'to ibaling
Ano pa bang dahilan para manatili kung tuwing gabi
Siya na'ng kapiling mo, gusto ko lang sabihing
Kasiyahan ko na rin na makita kang masaya kasama
Siya kaya ke'langan ng gumising dahil

Ano nga naman ang laban ng tulad kong simpleng tao lang sa kaniya

Dahil ngayon alam ko na, sadyang magkaiba
Ano nga naman ang 'di mo pwedeng makita sa kaniya
Siya'y mayro'ng magarang kotse
(Oooh, wallet ay doble-doble)

Ngunit ngayon alam ko na, talaga namang mag-kaiba
Napakalayo ko sa kaniya
Kaming dalawa, mayaman siya, ako'y pobre
(Mahalin mo imposible)

Nais sana kitang tanungin, matagal na kasi 'to
Ang tulad ko ba'y 'yong pakiki-samahan nang may totoo (na pag-tingin)
Kung walang sing-sing, kwintas, hikaw at relo (at sa tuwing)
Kakain tayo sa labas ay inililibre mo ako

Nakaka hiya man, alang-alang sa sumpaan natin
Tangan-tangan ka at laging bubuhatin
Kung 'di mo na kayang pasanin ang mga dinadala mo
Para saan pa at nandito ako
Iatang mo lang lagi sa likod ko

Hanggang nag-bago ang ihip ng hangin, ang dating wala
Tumiba rin, sa laging dalangin ay may napala
Dahil atin ang lalim ng dulo at ng simula
At dahil sa sinamahan mo ako, ang lahat ay ibibigay ko sayo

'Pagkat ikaw ang kayamanan ng simpleng taong nag-mamahal
Kahit may magarang kotse

Dahil ngayon alam ko na, sadyang magkaiba
Ano nga naman ang 'di mo pwedeng makita sa kaniya
Siya'y mayro'ng magarang kotse
(Oooh, wallet ay doble-doble)

Ngunit ngayon alam ko na, talaga namang mag-kaiba
Napakalayo ko sa kaniya
Kaming dalawa, mayaman siya, ako'y pobre
(Mahalin mo imposible)


You May Also Like
Ron Henley - "Biglang Liko" Yiee! Tara, sumama ka sa akin Alam mo na dadalhin kta kng san mo gusto Ang pawis ko'y tumatagaktak Sa bilis may pumapalakpak Abutin natin ang langit ibuka ang pak-pak Langhapin ang halimuyak ng mga...
Cueshe - "24 Hours" I've been lying here and wide awake Til the night dies out and day to break Every minute seems like endless hours When I'm with you I miss your eyes, your smile, and lovely face I can't forget your...
Lo ki - "Kagome" Eh paano kung hindi Hindi ka nakilala Siguro nakakulong pa din Sa nakaraan 'di makalaya Ang sarili dinadaya, yeah Naglalasing-lasing hindi pala kaya, yeah Ayokong magising nang 'di ka kasama Kung...
Smugglaz - "Nakakamiss" Na na na na Na na na na Na na na na na na na... Na na na na Na na na na Na na na na na na na na na... Madaming nangyari, taon ang binilang Ka-jamming, kumpare, napapangti lang Ngayon naalala, maulit...
Neocolours - "Tuloy Pa Rin" Sa wari ko'y Lumipas na ang kadiliman ng araw Dahan-dahan pang gumigising At ngayo'y babawi na Muntik na Nasanay ako sa 'king pag-iisa Kaya nang iwanan ang Bakas ng kahapon ko Tuloy pa rin ang awit...