"Para Sa Bayan" lyrics

"Para Sa Bayan"
(feat. Lirah Bermudez)
(from "Ilustrado" soundtrack)


Tanggapin ang hamon
Buhay mo man ang siyang nakataya
Lumaban at bumangon
Walang abot kapag nakahiga
Sumalungat sa alon
Kahit panulat lang ang baon

Mga letra sa papel na isinulat
Aking mga saloobin na binubuhat
Habang lumulusong sa kumunoy
At maiahon ang bayan na darang sa apoy

Aking ina kumusta ka na
Sa aki'y wag ka mag-alala
Kahit ako'y nawalay sa'yo
Ang nais ko ay malaman mo na

Salamat dahil ikaw ang kauna-unahan kong guro
Sa napakaraming bagay na inyong itinuro
Sa akin at sa lahat ng aking mga kapatid
Kahit madilim ang gabi ay kandila sa silid
Tagadala ng liwanag pag ako'y nagbabasa
Nais ko lamang ay masagip ang iyong mga mata
Nalaman kong karunungan ay 'di dapat duwag
Nang mapatunayan kong minsan ang katarunga'y bulag
Kahit gaano kalupit ang sa iba'y ating sinapit
Pag may galit at pait, sa pagmamahal ka kumapit
Yan ang sabi mo sa akin nang isip ay ibinukas
'Di kailangang gumamit ng dahas upnag maka-alpas

Kulay kayumanggi man ang aking binhi
Hindi magkukubli paglalaban ang lahi
Pag-ibig na taglay aking isinabuhay
Abutin ang tagumpay kahit pa hanggang hukay

Ang kalayaan mo at kalayaan ko
Ang kayamanan nitong bayan ko
Ang kalayaan mo at kalayaan ko
Ang kayamanan nitong bayan ko

Tanggapin ang hamon
Buhay mo man ang siyang nakataya
Lumaban at bumangon
Walang abot kapag nakahiga
Sumalungat sa alon
Kahit panulat lang ang baon


You May Also Like
Jamie Rivera - "We Are All God's Children" Do you see these children on the streets Have you walked the pavements where they sleep? Do you feel their hands When you give them alms? Did you ever give them bread to eat? Have you seen their...
Sarah Geronimo - "Tala" Tala, tala, tala... Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata Tala, tala, tala... Ang ningning ng yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala Siguro nga't masyadong mabilis ang pagyanig Ng...
Julie Anne San Jose - "Nothing Left" I remember when you had my back You and me, inseparable But that was way back, oh oh Nowadays we only fuss and fight Caught up in the drama and we go all night, oh oh, oh oh, oh ooh This is long...
Regine Velasquez & Moira Dela Torre - "Unbreakable" Hold my hand like you did Before you and I say goodbye We've said from the beginning Our love is everything But now we're left with nothing I just can't leave it all behind How can I turn back the...
Sam Milby - "Magmahal Muli" Umaasang magmamahal muli Ang buong akala ko'y sya na Kabiguan ang napala Panghilom ng puso'y hindi madali Ang malaman mahal mo'y Walang pag ibig sayo Ang umasang magmamahal muli Syang magagawa Huwag...