"Puwesto" lyrics

"Puwesto"
(feat. Ramdiss & Hero)

Dati pa ay alam
Kung san talaga
Ang aking pwesto
Pero dahil may hirap at tyaga
Binigyang halaga
'Di naman ito kusang binigay
Madalas ay tikom pa nga ang mga kamay
Pero dati pa ay alam ko na
Kung san talaga

Medyo na kilala sa ilalim
Pero kabaliktaran sa ibabaw
Kung dinudumog man ako sa lupa
Sa himpapawid nilalangaw
Patay gutom na nakikiagaw
Sa kung anong meron nilang inilatag
Ako man ang mauna sasakmalin na kagad
Bawal ang patumpik tumpik wag ka papadarag
Ito'y mundo ng mga walang patawad

Wag ka papaawat hanggat naka lapat
Ang mga paa mo sa posisyon na kaya kang matahanin
Lagi mong tatandaan wag sanang mamasamain
Na kung wala kang bilang ay hindi ka titingalain
Kahit na gaano galing
Sa tinagal tagal ko rito ay nangangapa parin
Kung susumahin susukatin
Halos buong kalahating buhay ko ay
Dito ko ginasta para tuparin

Ang mga pangarap na sa kanila'y malabo
Pero sa 'kin ay malinaw malayo na maglaho
Ang apoy sa mata at pag asa na di mo makikita sa iba
Na kahit pagkaitan pa ng tadhana
Ay di ako mapipigil bumira
Ng walang pakundangan
Sa tugmaan walang galang

Pinanganak para lang ibala sa
Pinakamalakas na kargada ka
Labitin tiyak na tatama
Asintado ang may hawak sandata
Manunulang dalubhasa na ulo ng asintada
Estudyanteng nakatutok sa pisara batang hinubog ni mastah
Abangan na lang ang susunod na kabanata
Kung papaano tatagos ang mga makata
Lumaki sa pangangalaga ng kanta ni gloc-9

Dati pa ay alam
Kung san talaga
Ang aking pwesto
Pero dahil may hirap at tyaga
Binigyang halaga
'Di naman ito kusang binigay
Madalas ay tikom pa nga ang mga kamay
Pero dati pa ay alam ko na
Kung san talaga

Para dito para dito para dito para dito
Ang hero tandaan mong di pa tapos
Bawal na ang tirang kapos magaling ka ba boss
Makabasag tenga ka lang, kaya kong
Kalampagin mga diyos

Napapatameme eh
Pag sa tapang ay may bumili
Kung narinig niyo na kong di takot magkamali
Pakinggan niyo ko ngayon kung pano magbabawe

Di ko para ipagmalaki
Yung mga bagay na minsan ko ng kinahiya
Kasi labas sa usapan ang swerte nadoble nalugi
Ang mahalaga ay tumaya

At kinakaya ang mga hamon walang daya
Na na-iahon sa mga matataas na alon
Na lumamon sa pagkatao na lumalason
Kaya nagiging pilit sumaya

Tangayin man ako ng agos papalayo o
Kahit pailalim
Tanging musika ang magiging rason
Para aking pabalik na languyin

Hindi lang basura ang lumulutang sa dagat yan ang dapat mo na alamin
Yung iba nagmamatyag naghihintay at nakamasid na mga pating

Na handang sumagpang abutin kahit sa pangpang
Lahat kayo magugulantang sa binansagang masangsang
Di na to para libang lang para to sa buong angkan
Sa mahaba na pila madaming nagpakabida
Hindi ako nainggit wala kong rason na manghina

Di kailangan ng paminto
Para lamang gawin to
Walang pinagkaiba sa dati
Di nawala sa hiling ko na sana makatama

Dati pa ay alam
Kung san talaga
Ang aking pwesto
Pero dahil may hirap at tyaga
Binigyang halaga
'Di naman ito kusang binigay
Madalas ay tikom pa nga ang mga kamay
Pero dati pa ay alam ko na
Kung san talaga

Balikan natin ang kwento na sabi nila ay inimbento
Pinipilitpet ko
Pero bat nasa akin ang sentro
Sige iseset ko
Ilapag nyo na lahat ng bet nyo
Teka Sana ngayon ay maget nyo
Di mo kailangan maging henyo
Para makuha lamang ang premyo
Nabingi na sa mga hiling sa bituwin pabalikin ganon ka parin bang umukit ng disenyo

Pero i ain't gon lie
Di na ako yung makata na parang
I ain't gon die
Pag kumapit ng mikropono
Totodo ko maloko to sisilanan lagi lahat ng
Track on fire

Hindi kailangan high
Lalapatan pag tinawag at nilatag mo dito yan saking harapan
Parang dahon na tuyo nang dumikit Na abo yan
Ako ang guro mo sa makabagong panitikan

Huwag masyadong galingan
Pano ko pa madidikitan
Di na nga kita mahigitan
Para kang ginilitan
Malayuan o malapitan
Halimbawa ka na ng kalabisan
Kahit pa madamitan
Di mo matago napako mabahot
Malabo nang panulat mong dala
Sinabihan na kita
Tapos Pinauna pa
Pero di ka pa rin talaga marunong madala

'Di na matatapos to
Igapos mo
Ang Agos koy walang kapatid patid
Dagdagan ang galos ko
Matalas to
Ang Lapis ko na aking gamit gamit

Simula pa non
Dumaan man ang panahon
Lagi kang napapalingon
Sino mang patapon
Lahat ay napapatalon
Hanggang sa umabot na don
Sa saradong kahon

Dati pa ay alam
Kung san talaga
Ang aking pwesto
Pero dahil may hirap at tyaga
Binigyang halaga
'Di naman ito kusang binigay
Madalas ay tikom pa nga ang mga kamay
Pero dati pa ay alam ko na
Kung san talaga


You May Also Like
Pricetagg - "Kontrabida" Sobrang totoo tingin nyo sakin Kontrabida kasi ang dami na nilang pabida Mali lang ang napapansin mga Purista pagkatao ay tinago kala mo artista Di ako nakinig yeah di ako naniwala Sa mga utak...
6cyclemind - "Sandalan" Kanina pa kitang pinag mamasdan Mukha mo'y di maipinta Malungkot ka nanaman Kanina pa kita Inaalok ng kwentuhang masaya Parang sayo'y balewala Sandali nga Teka lang May nakalimutan ka Diba't pwede...
Hale - "Kahit Pa" Muling lalapit Ang liwanag sa paligid At ang tinig Na sa akin nagsasabing Hindi mapipigil ng mundo Papatunayan ang pangako Dahil kailangan ka Kailangang 'pakita natin tayo'y iba At kahit pa Hindi pa...
Itchyworms - "Ayokong Tumanda" Naiinis ako pag naiisip ko Lahat ng tao ay tumatanda Naisip mo na ba pag tayo tumanda Isa-isa na tayong mawawala Naaalala mo pa ba ang panahon Nung excited ka pa sa birthday mo taon-taon Ngayon...
Ghetto Gecko - "Man!" Musikang pang gising sa tulog man Yeah aye aye yeah Buhay na kwinento sa tunog man Yeah aye aye yeah Musikang pang gising sa tulog man Yeah aye aye yeah Buhay na kwinento sa tunog man Yeah aye aye...