"Romano" lyrics
Gloc-9 & Rico John Bilangel C.Ss.R Lyrics
"Romano"
(Sa gitna ng takot at pangamba
Umusbong ang natatanging pagsinta
Ang binihag na simoy ay lalaya
Ang luntia'y 'di malalanta)
Panahon ang humubog
Sa lipunang nadurog
Hustisya ay bilang
Pataas 'pag nahulog
Nakabaon na bubog
Sa talampakan na tigang
Bayan namin na lubog na sa mali
Sa tagal ay mahirap na ikubli
Hindi na kaya pang tiisin ang hapdi
Sa mga sugat na kailangan ng tahi
Pagmamahal, ay nasaan?
Pintig ng puso na nakalaan
Ibibigay kahit wala mang kapalit
Laging tatandaan
Anuman ang iharap
Bukas-palad na tinanggap
At handa n'yang ibigay
Maialay ang buhay
Bakit inabutan ng kahapon ang ating ngayon
'Di maaninag ang bukas sa anino ng noon
'Pag daing ng iba
Lagi s'yang tumugon
Sa piging ng dukha
Nakisalo't uminom
Kalis ng pagdurusa
Niyakap kahit madugo
Dito sa dagat ng bigo
May umilaw na sulo
Lumalaban ng tuwid sa mga baliko
At sa 'yong pag dating
Nakaabang sa pinto
Aakayin ang lahat ng mga napariwara
Buksan ang nakasara bahagian ang wala
Nilunok ang ganti
Ng sugat na basa
Natuyo na dura
Sa mga paso't pasa
Pagmamahal mong hinahanap na parang hele ng duyan
Para sa bayan sana ay mahawakan ng tuluyan
Makamit lamang ang tanging inaasam ng lubusan
Buhay ang kabayaran kahit hindi n'ya pa utang
Pagmamahal, ay nasaan?
Pintig ng puso na nakalaan
Ibibibigay kahit wala mang kapalit
Laging tatandaan
Pagmamahal, ay nasaan?
Pintig ng puso na nakalaan
Ibibibigay kahit wala mang kapalit
Laging tatandaan
Anumman ang iharap
Bukas-palad na tinanggap
At handa n'yang ibigay
Maialay ang buhay
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
You May Also Like
Nero & Apekz - "Imperyo" Amoy sa pagtuntong ang insenso
Aroma ng sunog na imperyo
Tanggap kong malugod ang talang kaloob
Ambag ni Galileong samin lang nakaluhod
(Kaya)
Gusto kong mangibabaw sa ilalim
Kasama ang mga gintong...
Session Road - "Cool Off" Ayoko na munang makita ka
Ayoko na munang makasama ka
Gusto ko sanang mapag-isa
Di na yata tayo msaya
Di na yata kakayanin pa
Gusto ko munang mapag-isa
Siguro ito na nga
Intindihin mo na
Kailangan...
Rivermaya - "Kisapmata" Nitong umaga lang, Pagka lambing-lambing
Ng iyong mga matang, Hayup kung tumingin.
Nitong umaga lang, Pagka galing-galing
Ng iyong sumpang, Walang aawat sa atin.
O kay bilis namang maglaho ng...
Parokya Ni Edgar - "Halaga" Umiiyak ka na naman
Langya talaga, wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa
Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
May...
Mayonnaise - "Bakit Part 2" Lumuha ka ng nagiisa
Nakadungaw sa buwan
Lumilipad ang isip mo
Nakasabit sa ulap
Ngunit bakit, pinilit
Kung ayaw ko'ng masaktan?
Sinabi ko sa kanya
Na 'di parin nililikha
Ang katulad ko na parang...