"Tablan" lyrics

Gloc 9 & Assembly Generals Lyrics

"Tablan"

Mata ko'y paluhain kahit ang balat butasin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Pag nagpaulan sa hangin ang bala'y sasagupain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sa malayong lalakarin uubusin ang hinain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Kahit na lututin man ang laban at inyong lasunin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan (Di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Di ako tinatablan Di ako tinatablan

Mabigat na buhat Luma na panulat
Bumabalik lagi sa sulat kabisado sulat
Masukal na gubat Galos puro sugat
Pupunitin lagi kahit gano pa kakunat

Sabay unat para di tablan Bakal ang nilalaman
Sugod lang Dami niyong patira pero hangin lang
Puso at talino ang aking ginagalawan
Kaya't ganyan kahit anong patlang ako ang lalamang

Anuman ang lumipas ako ay di matitinag
Mananatiling matikas ang katawan at isipan
Nananaig ang liwanag sa kadiliman
Umabot man ako sa dulo ng walang hangganan
(Gloc) Mataas man ang hagdanan

Mata ko'y paluhain kahit ang balat butasin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Pag nagpaulan sa hangin ang bala'y sasagupain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sa malayong lalakarin uubusin ang hinain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Kahit na lututin man ang laban at inyong lasunin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan (Di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Di ako tinatablan Di ako tinatablan

Bago ko pasukin ang larangan nakilala ang kalaban
Ilang beses nadapa hanggang masukat ko ang tapang
Kumapal ang kalyo ng mga sugat sa bawat salang
Suot ang bawat galos at pinsala ng digmaan

Digmaan sa kanto may mga atraso
Kailangang tignan na parang kagat ng aso
May lamat na baso Sami'y walang kaso
Mainit na tila pinabayaan na trangkaso

Eh ang kaso may humarang pero di naman lalaban
At kahit may ibalang lagpasan walang atrasan
Kasi di niyo lang alam ang aking mga dinaanan
Sige lang subukan ang sapatos ko kung kaya niyong lakaran

Mata ko'y paluhain kahit ang balat butasin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Pag nagpaulan sa hangin ang bala'y sasagupain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sa malayong lalakarin uubusin ang hinain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Kahit na lututin man ang laban at inyong lasunin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan (Di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Di ako tinatablan Di ako tinatablan

Ang dami dami dami dami niyong binibitawan
Lahat nanggaling sa ugaling puro talangkaan
Wag puro salitaan Lagyan mo ng galawan
Sa ganyang kilusan baka ika'y masagasaan

Manibela mani obra
Pag hindi krus yan ay kara
Dami nang lumalamon sa kusina
Bat di ka maghain sa sala, para
Para may puwesto wag laging imbento
Baka sa balita ikaw ang makita sa mga ulat ni Calvento

Alam ko namang hindi madali
Maranansan ginhawa man o sakit
Subukan mo mang hamunin ay
Hinding hindi kayang patumbahin

Asintahin ang iyong hiling
Mga pangarap iyong abutin
Huwag kang matakot na lumusob sa gera
Nakahanda ka dapat saluhin

Nakahanda ka dapat salagin

Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan (Di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Di ako tinatablan Di ako tinatablan


Writer(s): Aristotle Pollisco
You May Also Like
Shanti Dope - "Loaded" Laging nakabonet bulsa laging loaded Usapang diskarte utak namin open Diamante sa'ming bibig ngipin namin coated Gusto mo silipin DNA namin coded Laging nakabonet bulsa laging loaded Usapang...
Typecast - "Will You Ever Learn" So what's the point in all of this when you will never change? The days have passed, the weather's changed Should I be sorry? Could I be sorry? I did it all, all for you hoping you would see Your...
Noel Cabangon & Moonstar88 - "Paasa" Ano na naman ba'ng dahilan Bakit mo ako "inindyan" Di ka man lang nagparamdam O di kaya'y tumawag man lang Sabihin mo na lang kung ayaw mo na Para di na ako aasa pa Kung anu-ano pang iyong dahilan...
Never The Strangers - "Moving Closer" When you smile, everything's in place I've waited so long, can make no mistake All I am reaching out to you I can't be scared, got to make a move While we're young, come away with me Keep me close...
Somedaydream - "Hey Daydreamer" Oh, you could just pretend to be with her all-day Remember the feeling when you first held hands today Imagine her in your favorite white dress Smiling at you as if she thinks that you're the best...