"Tunay" lyrics
"Tunay"
Meron akong gustong itanong
Sagutin ng malakas ayoko ng pabulong
Kung palaliman din lang kunin mo yung malukong
Punuin natin ng mga salitang malutong
Alam kong ang mundo na nilalakaran natin
Ay nababalutan palupitan ng porma na pamatay
Pataasan ng sampay, di nyo kayang pumantay
Gano karaming ginto at singsing na nakalagay
Sayong kamay at leeg malayo mo na madedma
Palaging nakaangkla si Elsa, Lorna at Edna
Nagmamahalang tsikot ang kanilang pinaparada
Di makita sa bintana kapag pinaarangkada
Aha, hanep palakasan ng dating
Lahat na lang ay kalaban sa tuwing nalalasing
Hindi naman manipis mga napakapraning
Bakit di nauubusan ng mga hinanaing
Hindi daw sya makasulat kapag hindi naka-weed
Di naman nakakagulat halos di makatawid
Sa makatuwid kung gusto mo na may masamid
Pag lumakad sa alambre dapat napakatuwid
Oppp, sabi na ganto ako na si cursy
Dapat makatas pataas palagi
Ano mang di mo naabot ay bahagi
Balikan mo na lang pwede pang mapawi
Isang ama na naghahanap ng pera, para sa
Hapagkainan ng pamilya kahit malayo pa
Pansit na nakabalot sa supot kanyang dala-dala
Kahit na hindi sapat ay pagsasaluhan nila
Tapos gigising sa hatinggabi upang timplahan ng
Gatas ang kanyang sukling kahit ilang takal na lang
Bukas tuloy ang kanyang pakikipagsapalaran
Para sa kapakanan hindi magpapalamang
Pero lalaban ng patas dahil ang pinapangaral
Sa kanyang mga anak ay ang kabutihan ng asal
Mabagal man ang pag-usad kulang man ang pantakal
Maaga lagi sa bungad sipag na walang angal
Basta nasa maayos lamang kayo
Ligtas at malusog busog na ako
Kahit na gano pa kabigat ang pasan ko
Para lamang sa inyo bubuhatin ko to
Basta nasa maayos lamang kayo
Ligtas at malusog busog na ako
Kahit na gano pa kabigat ang pasan ko
Para lamang sa inyo bubuhatin ko to
Thanks to ZEN Z for correcting these lyrics.
Writer(s): Aristotle Pollisco
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
You May Also Like
Parokya Ni Edgar - "Panahon Na Naman Ng Harana" May, may naririnig akong bagong awitin
Bagong awitin
At may, may naririnig akong bagong sigaw
Eh ikaw?
Hindi mo ba namamalayan?
Wala ka bang nararamdaman?
Ika ng hangin na humahalik sa atin
Panahon...
CLR & Omar B. - "K & B" (Dugo't pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang)
Salamat sa mga hindi lumisan
Alam ko nagkamali rin ako minsan
Galaw ko ngayon akin nang pinagiisipan
Habang...
Loonie - "Wag Ka Magdroga!" 'Wag ka magdodroga
'Wag na 'wag ka mag-shabu
'Wag ka magko-coca
'Wag ka magdodroga
Pwede sigarilyo
Pwedeng pwede rin tumoma
'Wag ka magdodroga
Ikaw ay maniwala lamang sa mahiwaga
'Wag ka magdodroga...
Shanti Dope - "Lutang" Alam mo na marami sa paligid
Walang iba naging hilig
Ikaw lang talaga (ikaw lang talaga)
Tumatakbo sa pinatama mong pag-ibig
Halimuyak mo at himig
Wag sana mawala (wag ka sana mawala)
Nagising sa...
Bugoy Drilon - "One Day" Sometimes I lay
Under the moon
And thank God I'm breathing
Then I pray
Don't take me soon
'Cause I am here for a reason
Sometimes in my tears I drown
But I never let it get me down
So when...