"Pagkatao" lyrics

"Pagkatao"

Ooh, ooh

Maraming mga bagay sa'king pagkatao na 'di ko kayang aminin
Pasensya na kung minsan, sobrang hirap kong basahin
Daming pangyayari na 'di ko din akalain
Kung ba't 'gang ngayon nandito pa 'ko at nananalangin
Umaasa na payapang buhay aking matamasa
Ramdam mo naman sa aking pinapasa
Enerhiya na dala ko ay pag-asa, yeah

'Di ko din alam ba't kailangan nating maging alipin
Sa mundong napakalawak ang sarili ay hanapin
Kailanman hindi nang-apak, may malinis na hangarin
Pa rin ang magwawagi sa dulo at pagpapalain
Pagpatuloy mo lang kahit madapa
Ka nang pa-ulit ulit, 'wag kang sumuko
Habaan mo lang ang pasensya mo at sipagan mo pa
Lagay mo sa isipan mo may gabay ni Ama
Ayos lang maligaw, 'wag mag-alala
'Di madaling hanapin 'yung ikaw, ganyan talaga
Sa sobrang daming pwedeng matanaw, nakakatanga
Mahalaga, nandito ka ngayon at humihinga

Ang kalakip non ay pag-asa
Na payapang buhay pwedeng matamasa
Ambilis ng panahon, 'di mo mabasa
Paubaya nalang natin sa tadhana, yeah
Ako'y palaging umaasa
Na payapang buhay aking matamasa
Bago pa 'ko na tuluyang mawala sa
Mundo ay magpapakalat ng pag-asa, yeah

Maraming mga bagay sa'ting pagkabuhay na 'di natin akalaing
Maghahatid ng sugat at bigat sa'ting damdamin
Wala tayong magagawa kundi ito'y yakapin
At sanayin ang sariling maging matatag palagi
Sapagkat ang buhay ay mapaglaro't mapanlinlang
Hanggat humihinga kapa'y may tyansang masaktan
Pero ganon pa man, kahit paano'y gagaan
Ang pagkabuhay sa pamamagitan ng pagmamahal

Ang pagkabuhay ay mapaglaro at mapanlinlang
Hanggat humihinga kapa'y may tyansang masaktan


You May Also Like
Shanti Dope - "One Take Freestyle" Ganito nalang ba tayo sisinde? Magdodroga o hinde? Yung tanong na ang sagot laging sige Iinoom magsasabog walang pake? Kakantot kapag gabi? Didiskarte kasi yung pangarap na inaabot mo malaki? Pagod...
Midnasty - "Bisag Asa" Okay ra bisag asa Basta kuyog tang duha Bya'an nato'ng kalibutan Okay ra Kung naa ka Bahala na Kung naa ka Bahala na Bisag asa pa ta nga duha Ilabay's hangin Wala na'y laing Maka pugong ani nga...
Ghetto Gecko - "12AM" 12 am smoking green, may babaeng malambing Fuck u mean? daming kwento lang ideya where I've been Sabog ka pagka-toke, di ka na makatingin Di mo akalaing di mo kayang laruin Nagiiba ugali kapag nasa...
Lo ki - "Stargaze" Hindi makaila ng aking mga mata Nang makilala ka umulan ng pagpapala Tayong dalawa ay tinadhana talaga Na magkita sa ilalim ng buwan at mga tala Hindi makaila ng aking mga mata Nang makilala ka...
Earl Agustin - "Baka Tayo" Sana ay sinabi mo noon pa lang Na meron ka na rin palang nararamdaman Kung sakali ma'y nalaman ko Na meron din palang tinatagong pagtingin E 'di sana hindi nasayang Ang oras at panahon nating...