"Palabas" lyrics
Guddhist Gunatita & Mhot Lyrics
"Palabas"
Nandito ako sa labas gumagawa'ng daanan palabas
Sa buhay na puro lang palabas madalas na madulas
Normal yan 'pag ang ruta pataas
'Wag kang mauubusan ng lakas
Daming parating na hamon 'di na gaya ng kahapon
Na merong maaasahan ang sarili sa pag lamon
Sa plano ko nag pag ahon sana nama'y sumang ayon
Ang Bathala sa taas kung 'di man sige padayon
Patibayin ang sarili, 'pagkat ikaw ang siyang haligi
Sa tahanan na naka abang sa'yong sarili
Walang masama sa pag galaw nang patago
Gulatin mo lahat sila lumabas ka ng malago
Sa mabuting paraan, suliranin palagan
Gamit ang 'yong kamalayan kahirapan kalagan
'Di pwedeng 'di talaban normal lang makaramdam
Ng puot at kalungkutan ang gaya mong palaban
Palag palag sa buhay ikaw ang magpatunay
Sa'yong paligid na ang mundo natin ay makulay
Pag ibig lang ang tunay sa ating pagka buhay
Kapag wala ka no'n para ka na ring nasa hukay
Sanay na sa putik ang mga paa
Kagubatan na liblib baybaying walang kaba
Anong nadarama mo tuwing nagiisa?
Malungkot o masaya o parang paralisa?
Tama lang na pag isipan mo ng maigi
Bago ka bumigkas gamit ang 'yong labi
Ayos lang magsisi 'wag kalang manisi
'Pagkat lahat ng yan sa'yo naka depende
Anuman ang desisyon ay naiipon ang bakas
May aral at leksyon sa mga sitwasyong danas
Iba't ibang misyon sa pag pili ng landas
Kanya, kanyang direksyon sa sariling palabas
May iba na patakas, may ilan ding nakatago
Tila tumatak ang mga pilat ng kahapon
Imbis na lumakas ay mas naging ilag sa hamon
Kaya 'di na maharap pa ang mga kinakatakot
May ilang 'di na umabot, pakiramdam ay may mali
Sa kabanata parang malas at sawi
Silang 'di na kinaya ang bigat ng pighati
At mas pinili na lang na ang wakas ay mapadali
Mga namayapang 'di na sana masundan
May kaibigan at tahanan malakas man ang ulan
Palaging paalala na may matatakbuhan
At sa sinumang kasama, sana malabas mo yan
Hirap mapagisa na parang katatakutan
Maibsan nawa ng tawa ang iyak ay mapunan
Para wala nang masama pa na kahantungan
Ang mga nakatagong drama na s'yang dapat aksyunan
Palabas
You might a lot of money out of your music?
Money?
I mean, how much a lot of money to you?
Yeah, that's a good question
Have you made, say millions of dollars?
No
Are you a rich man?
When you mean rich, what you mean?
You have a lot of possessions
A lot of money in the bank
Possessions, making rich?
I don't, I don't have that type of richness
My richness is life, forever
- AZLyrics
- G
- Guddhist Gunatita Lyrics
You May Also Like
Stick Figgas - "Ubasan" Ito'y nangyari sakin dati sa isang piging sa pasig
May isang marikit na dalagitang nang aakit
Dikit pa ng dikit sa akin ng biglang lumapit
Binigyan ako ng candy shit bibig ang gamit
Sabi nya tigasan...
Geo Ong - "Huling Liham" Isang gabe kausap mo ang iyong nobya
Gaya ng dati sya ay iyong binobola
Nakaramdam ka ng init ng katawan
Hiningan mo sya ng vedio ng kanyang maselang harapan
Ang sabe nya "di ko pwede pakita to...
Smugglaz - "Hakuna Matata" Wag ka mag-alala la la la la la...
Di habang panahon, mananatiling mailap ang pagkakataon
Kahit na parang ngayon tila ba nakabaon
Ang kalahating katawan lupa mo't nasa kahon
Eh pano buhay ka pa...
Lo ki - "Oh Yeah" I know that you love me
When you give me head in the morning yeah
I got what you need smoke galing California
Yeah
I know that you love me
When you give me head in the morning yeah
Yeah oh yeah
Yeah...
Kris Delano - "2001 Civic" Di ko na kayang pumreno
Sapul kung sapul, wasak kung wasak
Subukan mong paandaran
Parang salamin, basag kung basag
Dinadasal nalang ngayon
Layo ako sa mga taong panggap
Mga sumaksak diyan patalikod...