"Sagipin" lyrics

"Sagipin"

Hmm, whoa

Binigay Mo ang lahat kahit hindi ko hiningi
Ilang beses na muntikang masawi
Sa daming pinagdaanan ko na mga pighati
'Di ko na din alam kung pa'no ko pa nagawang ngumiti
Kahit na sobra na 'kong nahihirapan
Mga alaalang 'di ko matakasan
Alam ko kagagawan kong kasalanan
Kaya gusto ko na baguhin kapalaran

Masdan mo aking mata
Makikita mo kung ano ba talaga
Ang nadarama ng gusto kumawala
Sa tanikala ng mundong mapangmata
Alam mo ba na lahat 'to'y mawawala
'Wag mag-alala 'pagkat tayo'y iisa
Kaniya-kaniya lang tayo ng pinapasan
Pero iisa lang din tayo ng pupuntahan, yeah, yeah

Pumikit ka't harapin ang sariling takot
Kung ano'ng paparating ay 'wag ka matakot
Subukan mong humiling, mundo'y 'di madamot
Kung 'di man Niya tuparin, may rason kung bakit
Nangyayari mga bagay sa 'yong buhay
Subukan mong wakasan ang mga maling gawain, kabutihan dalasan
Isipin mo ng maigi ang puwedeng kalabasan
Para walang pagsisisi sa huli

Kaya hindi ko hahayaan na masayang pa ulit
Buhay ko, gusto ko lang din na makamit
Ang mga bagay na gusto ko ipamahagi sa lahat
Kahit tila parang imposible, 'di masyadong iisipin
Patuloy sa panalangin
Aking pagkabuhay patuloy na tatahakin
Darating lahat 'yan 'di na kailangan hanapin
Basta ang alam ko lang

Binigay Mo ang lahat kahit hindi ko hiningi
Ilang beses na muntikang masawi
Sa daming pinagdaanan ko na mga pighati
'Di ko na din alam kung pa'no ko pa nagawang ngumiti
Kahit na sobra na 'kong nahihirapan
Mga alaalang 'di ko matakasan
Alam ko kagagawan kong kasalanan
Kaya gusto ko na baguhin ang kapalaran

Binigay Mo ang lahat kahit hindi ko hiningi
Ilang beses na muntikang masawi
Sa daming pinagdaanan ko na mga pighati
'Di ko na din alam kung pa'no ko pa nagawang ngumiti
Kahit na sobra nang nahihirapan
Mga alaalang 'di ko matakasan
Alam ko kagagawan kong kasalanan
Kaya gusto ko na baguhin ang kapalaran

Hmm

Binigay Mo ang lahat kahit hindi ko hiniling
Ilang beses na rin ako na muntikan na masawi
Buti andiyan Ka palagi para ako'y sagipin, hmm
Buti andiyan Ka palagi para ako'y sagipin


You May Also Like
CLR - "P's Song" ('Di ko alam kung pano sisimulan...) 'Di ko alam kung pano sisimulan Itong aking tula medyo mahirap hirap ang Maglahad ng nararamdaman kasabay ng beat Pero kailangan ilabas nilulumot kong sikreto...
Apekz - "Tuldok" (My life ain't so bad You drive so fast To the silence, baby Don't trip, relax And we'll be alright 'Til the sunrise) Inakyat ko mataas na bundok Di tumigil kahit mga paa ko mabugbog Kung kelan...
Lo ki - "Di Ko Alam" Ang saya siguro kung nandito ka lang Yun na pala yung huli hindi ko alam Ang saya siguro kung nandito ka lang 'Di ko alam (yeah, yeah) Ang saya siguro kung nandito ka lang Yun na pala yung huli...
Ex Battalion - "Fun" Oh-oh-oh-oh-oh Oh-oh-oh-oh-oh Came here for fun, walang ibang pakay Masaya lang gagawin ang mga bagay-bagay Iwas sa gulo, do'n nasanay Kasi ang makipagtalo sa'min hindi na bagay 'Wag kang magtaka...
Honcho - "Pasensya Na" Gusto ko ng sabihin na mahal pa kita Pero di ko magawa di makasalita Kaya pasensya na (pasensya na, pasensya na) Hanggang tingin na lang ba baka mapahiya O baka mawala kapag inamin ko pa Kaya...