"Tagsibol At Taglagas" lyrics
"Tagsibol At Taglagas"
Tagsibol at taglagas
Dami nagdaan na kayamanan nawaldas
Pag-ibig na wagas panalangin 'wag magwakas
Nananalig na may gabay sa tinatahak na landas
Minadali ko ang lahat, dinulot depresyon
Parang damo na naligaw sa riles na may estasyon
Mabuting intensiyon, hinambalos man ng leksyon
Nando'n pa din ang koneksiyon sa sinasabi na misyon
Mga kaibigan kasama sa nakahiligan
Sabay-sabay tinama nagawa na kamalian
Ang kalokohan sa katawan nando'n pa din
Kailangan mo lang matauhan sa sariling salamin
Tumatakbo ang oras, lumilipas ang gabi
Kailan mo ba matututunan sila na isantabi?
'Yong mga tao na talagang walang paki
Nandiyan lang 'yan sa 'yong tabi 'pag mayro'n kang masusukli, shit
Walang sawang pag-intindi
Hapdi'y nalalasahan sa 'king bawat pagsindi
Sarili kinalaban, natutunan magtimpi
Tagpi-tagping pinagdaanan hanggang sa makauwi
'Yong dati kong gawi, tila limot ko na
Andami na ng nag-iba, pasensiya kung kinumpara
Ko ang sarili, walang iba na sinisisi
Nagtatanong hanggang ngayon ba't ba nananatili
Dito sa mundo, nagkalat ang tukso
Maling paniniwala sa dugo lumulukso
Ang hirap magtiwala sa sarili mong multo
Lalaruin ka ng bugtong hanggang sa ika'y malito
Minsan napapaisip na gustong magpahinga
Nawawalang ako sa'n na nga ba nagpunta
Ubos na salapi, wala nang maipupusta
Mahalaga nakangiti sa dami ng panghuhusga
Tinatawanan ko na lang sila sa isip
Kuntento na 'ko mag-isa na lang nananahimik
Nananaginip, naku, sana lang walang sumilip
Hindi kasi ako sanay na mayro'ng nakatitig
Ang mga himig sa utak ko, naglalaro
Napapasisid, gusto na nga mapalayo
Sa makikitid na tao at nilalakaran ko
Ang mga lubid na sa leeg nila tumutukso
Tagal na ding naggagala
Kaibigan ko noon buti nangangamusta pa
Sagot ko lang, "Heto, patuloy na nagtitiyaga"
Umaasang sa dulo, bahaghari ang makakapa (Makakapa)
Tagal na ding naggagala
Kaibigan ko noon buti nangangamusta pa
Sagot ko lang, "Heto, patuloy na nagtitiyaga"
Umaasang sa dulo, bahaghari ang makakapa
Writer(s): Genesis Lago
- AZLyrics
- G
- Guddhist Gunatita Lyrics
You May Also Like
Ghetto Gecko - "Crochet" Daming tolongges panis, parang kalat winalis
Di sila makadaplis yeah, lahat sila iwan fuck the rest
Ang buhay laro parang chess, barilan ng bara to man
Wag kang sumabay kung tira bitin, wala kang...
Stick Figgas - "Hiram" Limitado ang renta natin sa planeta
Nasasayang sa mga bagay na walang kwenta
Kung pinanganak ka ng dekada otsenta
Wag ka nang umasang umabot ka pa ng nobenta
Alaala na ang kabataan ang saya-saya...
Apekz - "Haring Araw" Basta kasama ka kumpleto na ang aking araw
Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
Hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw
(Walang iba, walang iba. Ikaw lang!)
Tara sabay...
Shanti Dope - "Bodega" Akala ng lahat ng yan akala ko noon dasaling
Tuwing akinse at atrenta lang kung tumugon
Tuwing kada panlaman tiyan ang hingin ko sa panginoon
Sukli nyay kaganapang ilang laway ang pinalulon
Gatas ko...
Skusta Clee - "Noche Buena" Huh, Sauce
Ooh-woah, ooh, ooh-ooh, oh-oh
Yeah, woah, ooh-woah
Litrato mo sa'king telepono, tinitignan ko magdamagan
Ilang taon ko ng sikreto 'to, ayoko din nilang malamang
Damdamin ko'y binabalik...