"Para Kay Catriona" lyrics

"Para Kay Catriona"

Lakad niya'y tila pag-agos galing sa bulkan
Tinig at ngiti niya ay dalangin nino man
Sa dahan ng pag-ikot niya ay
Dahan-dahan kong naramdaman
Ako ay ako lang
'Di siya magiging akin kailanman

Busilak ang pusong kay lapit sa maralita
Kita sa kanyang tindig, dinig sa salita
Perlas ng Silanganan at
Ang sansinukob ay siya ang hirang
Ako ay ako lang
'Di siya magiging akin kailanman

Ako'y maghihintay sa pag-uwi mo't pagkaway
Parada ng ngiti mo't nakamit na tagumpay
Habang watawat ay aking winawagayway
Paulit-ulit sa isip ko ay...

Ako'y maghihintay sa pag-uwi mo't pagkaway
Parada ng ngiti mo't nakamit na tagumpay
Habang watawat ay aking winawagayway
Paulit-ulit sa isip ko ay...

Pagtingi'y 'di babalik, ako'y nahihibang
Guhit sa ulap ay naglalaho ang kinang
Pinagpapasalamat at pinagpapasalangit ko na lang
Ako ay ako lang
Buong mundo'y siya ang hirang
Sa panaginip man
'Di siya magiging akin kailanman


Writer(s): Kulas Basilonia
You May Also Like
Fern. - "Whatever This Is" I know you're fiending on emotions with the lights out (Lights out I know that you can feel it too) Stop acting crazy baby, you should really lie down (Lie down, lie down) Can we have a minute I...
Kiyo - "Eba" Yeah, uh Eba sakay na sa kalesa Gawa ng mga kwentong panghabang buhay Hindi lamang pang-era 'Pag kasama parang perya 'Pag wala ka 'lang eksena Ikaw gustong makasama magpahanggang mag sitenta Turing...
Autotelic - "Kwentuhan" Kaibigan Baka pwede ka munang makakwentuhan Nakikiramay Ang paborito mong serbesas At nangangalawang kong gitara Anong balita? Mukhang may di nakatulog kagabi Mga mensaheng nais mong iparating...
JRoa - "Byahe" Hawakan mo ang kamay ko At dadalhin kita san mo man gusto Akong magsisilbing gabay mo Ipikit mo ng yung mga mata at lilipad tayong dalawa Takasan natin ang mundo Wala ng iba ikaw lang at ako Handa...
MYMP - "Blue Kiss" A blue kiss coloring me goodbye A new kiss could never feel so fine Tomorrow I'll be livin' in black and white Why does it have to be such a blue kiss When I kiss you Now I color my world with a blue...