"Ayokong Mawalan Ka Ng Saysay" lyrics

"Ayokong Mawalan Ka Ng Saysay"

Ito ay panawagan ko sa taong tulad mo
Sa dami ng balakid at pasakit sa mundo
Ay may pag-asa pa, itong mensaheng -
Ayokong mawalan ka ng saysay

Kung simpleng suliranin ang inaalala mo
Hanggang patuloy ang pag-usad huwag kang hihinto
Huwag papabiktima, itong mensaheng - ayokong mawalan ka ng saysay

Habangbuhay ang paalala ko't patnubay
Hangad ay ang ligayang tunay
At kung matagpuan huwag nang bitawan...
Alinlangan, sadyang hindi maiiwasan
Pag-ibig ay huwag kalimutan
At kung matagpuan huwag nang, huwag mo nang bitawan...

Ayokong mawalan ka ng saysay
Ayokong mawalan ka ng saysay

Alam kong kay dalas na tayo ay nabibigo
Subalit buhay nga nama'y sadyang mapagbiro
Dasal sa maykapal at ang mensaheng - ayokong mawalan ka ng saysay

Lahat ay may hangganan mayroong katapusan
At tandaan ang bawat aral ng nakaraan, matuto tayo dahil buhay nati'y minsan lamang
Dahil ayokong mawalan ka ng saysay

Habangbuhay ang paalala ko't patnubay
Hangad ay ang ligayang tunay
At kung matagpuan huwag nang bitawan...
Alinlangan, sadyang hindi maiiwasan
Pag-ibig ay huwag kalimutan
At kung matagpuan huwag nang, huwag mo nang bitawan...

Ayokong mawalan ka ng saysay
Ayokong mawalan ka ng saysay
Ayokong mawalan ka ng saysay
Ayokong mawalan ka ng saysay
Ayokong mawalan ka ng saysay
Ayokong mawalan ka ng saysay
Ayokong mawalan ka ng saysay
Ayokong mawalan ka ng saysay

Kung simpleng suliranin ang inaalala mo
Hanggang patuloy ang pag-usad huwag kang hihinto
Dasal sa maykapal

Habangbuhay ang paalala ko't patnubay
Hangad ay ang ligayang tunay
At kung matagpuan huwag nang bitawan...
Alinlangan, sadyang hindi maiiwasan
Pag-ibig ay huwag kalimutan
At kung matagpuan huwag nang

Huwag mo nang
Huwag mo nang
Huwag mo nang
Huwag mo nang... bitawan


You May Also Like
Paraluman - "Hanggang Dulo" Nakatitig sa iyo taranta at kabado Wala ng masabi, tuliro sa iyong ngiti Di mapigilan tibok ng aking dibdib Matang nakakatunaw, ‘wag mo akong tingnan ng ganyan Ako'y iyong iyo, kalianma'y ‘di...
Imago - "Pag-Ibig Na Walang Balik" Papano pigilan ang pagbuhos ng ulan Papano ulitin ang nakaraan 'Di ko mailaban ang wala nung simula Magdamagang pag-ibig may hangganan pala Hanggang kailan mo kayang umibig? Hanggang kailan mo...
Franco - "Castaway" Step to the farthest side of my dream Be careful of what you might see So careless inside I'm dying Slowly Sail into my wildest dream Wrapped up like a little bum's shoelace High strung but I am...
Eraserheads - "Sabado" Buti na lang, Sabado bukas Pwede tayo lumabas Humanap ng gagawin Di na kailangang isipin Buti na lang, Sabado bukas At pwede na tayo magwala Kung magsisi sa huli Kesa naman walang nangyari Buti na...
Kamikazee - "Leon" Bahagyang susulyap Sa likod kumikislap Liwanag na yumayakap Humahaplos sa ulap Walang kasing sarap Dahilang ganap Ikaw ang aking tadhana Kapirasong langit ko sa lupa Tayo ay iisa Sa dibdib...